top of page
Search
  • V. Reyes

Mayor sa Pangasinan at misis, positibo sa COVID-19


Inihayag ni Bayambang, Pangasinan Mayor Cezar Quiambao na positibo siya at ang kanyang misis sa Coronavirus Disease 2019.

Ayon sa opisyal, March 16 nang magpa-checkup at COVID-19 tests silang mag-asawa.

"During our 14-day quarantine, we confirmed that we were both positive, so we received proper treatment from the doctors who believe that we have now recovered," dagdag nito.

Sa ngayon aniya ay nasa mabuti na silang kondisyon at kailangan lamang ng panibagong dalawang linggong self-quarantine para masigurong hindi sila makahahawa ng COVID-19.

Kasabay nito ang muling apela ng alkalde na manatili muna ang lahat sa kani-kanilang bahay at gawin ang regular na paghuhugas ng mga kamay.

Simula rin ngayong araw ay isang daan na lang ang bubuksan para sa mga papasok sa bayan ng Bayambang at isa lang din ang magiging exit para matiyak na dadaan muna ang lahat sa decontamination area.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page