top of page
Search
  • Nitz Miralles

Kim, gustong gayahin ng iba kaya todo-post sa pamimigay ng relief goods


Nitz Miralles / Bida

Maayos ang sagot ni Kim Chiu sa rason kung bakit ipino-post niya ang pamimigay ng mga food packs sa poor families.

May umaway kasi kay Kim at tinanong siya kung bakit kailangan pa niyang i-post ang kanyang pagtulong.

Sagot ni Kim: “Posting this to inspire others to also help. I guess 'di n'yo po nakuha 'yung point. Instead you grow hate inside you. Bawasan n'yo po 'yan.

Masama 'yan sa panahon ngayon. All we need is LOVE and humanity. Spread love not hate. May God bless you.”

Pero kahit minabuti ni Kim na sumagot nang maayos sa netizen ay may salbahe pa rin na nag-comment na sana raw ay natamaan ng bala si Kim noong time na na-ambush siya.

Samantala, marami ang nai-inspire sa 1,000 jumps for a week na challenge at exercise na ginagawa ni Kim.

May nagsabi nang gagayahin nila ang aktres sa kanyang jumping rope exercise na nagpapaliit ng bilbil. Kaya sige, mga ate, gayahin na si Kim.

***

Para iwas-COVID-19..

Hirit ni Alden: ‘Wag magsisinungaling sa mga doktor

PINANGUNAHAN ni Alden Richards ang mga talents ng GMA Artist Center sa Panalangin sa Gitna ng COVID-19 na isinulat ni Bishop Efraim Tendero, Secretary General of the World Evangelical Alliance.

Maganda ang nilalaman ng panalangin na humihingi ng lunas para masugpo na ang COVID-19.

Kasama rin sa panalangin ang kaligtasan ng mga frontliners na nagtutulung-tulong para maging maayos ang paggamot at kapayapaan habang nasa gitna ng enhanced community quarantine ang bansa natin.

Bukod kay Alden, tampok din sa video ng panalangin sina Max Collins, Kris Bernal, Thea Tolentino, Lucho Ayala, Kyle Ocampo, Ralph Noriega, Thia Thomalla, Yasser Marta, Lyra Micolob, Jeremy Sabido, Vaness del Moral at iba pa.

Speaking of Alden, nanawagan din ito sa mga magpapa-check up na maging tapat sa kanilang sasabihin at isasagot sa mga tanong ng doktor. Kung nag-travel sila abroad bago nakaramdam ng mga sintomas ng COVID-19, sabihin dapat at ‘wag itago para alam agad ng doktor kung ano ang gagawin sa kanila.

Dagdag na panawagan ni Alden, “Stay at home and please stay healthy.”

Huwag lalabas kung wala namang gagawin para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Samantala, nagustuhan ng mga netizens ang post ni Alden na “When this is all over… we will hug in the streets… dance in the rain… small talk over coffee… swim in the sea… eat delicious food in the restaurants... celebrate with our loved ones. And we will have a whole new outlook. Appreciative, grateful, and treasure every moment. And until then... Let’s bring out the kindness in each other.”

***

Unlimited daw ang pagod sa pagtulong…

Sey ni Hayden: Angel for President!

HINDI lang tent para sa mga frontliners ang isinet-up ni Angel Locsin at ng fiancé niyang si Neil Arce at ilang kaibigan via #UniTentweStandPH campaign.

Nakapag-setup din sila ng sanitation tent with misting machine and UV light for the frontliners of PGH.

Binanggit din ni Angel ang donation na four sanitation tents nina Atty. Regie Tongol, Katrina Tiquia at Alodin Santiaguel.

Dumami pa ang humanga kay Angel sa walang kapaguran nitong pagkilos para makatulong.

Sa sobrang tuwa nga ni Doc Hayden Kho, nag-post siya ng “Angel for President.”

Samantala, agad hinanap ni Angel kung nasaan ang frontliner na nag-post na nakabuhat, nakahawak at nakakausap ng isang COVID-19 patient na walang suot na PPE (hindi lang malinaw kung siya ay doktor, nurse o nagtatrabaho sa hospital). Nabasa ni Angel at tinanong kung nasaan ang naturang frontliner and by now, nabigyan na siguro siya ng PPE o ibang protective gear.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page