top of page
Search
  • BULGAR

9 miyembro ng NPA sumurender

Mountain Province—Siyam na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Bagnen, Bauko.

Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong rebelde.

Nabatid na isinuko rin ng mga rebelde sa mga awtoridad ang mga dala nilang armas, bala at mga subersibong dokumento.

Ayon sa mga sumukong NPA, kaya umano sila nagbalik-loob sa pamahalaan ay dahil nais na nilang magbagong-buhay.

Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA upang matiyak ng mga awtoridad na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page