top of page
Search
  • Nitz Miralles

Ria, walang sintomas ng COVID-19 kahit positibo ang parents na sina Sylvia at Art


Nitz Miralles / Bida

May tweet si MJ Felipe sa pagiging COVID-19 positive ng mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde.

Apparently, nakausap ni MJ si Ria Atayde na kapatid ni Arjo at sabi ng aktres, “They’re getting better day by day but they both tested positive. Thankfully, they’ve been on self-isolation for a week now (March 24) so we, the people in the house, only have a week left of manifesting symptoms and all.

“We’ve been practicing self-isolation since they got tested but now that they’re both positive, we will have to be locked down at home. No one in the house is showing symptoms so that’s a good sign.”

***

Anak ni Sharon, todo-pakita ng boobs…

KC sa mga bashers: Wala kayong paki, katawan ko ‘to!

PALAISIPAN sa mga followers ni KC Concepcion sa Instagram (IG) kung sino ang kumuha ng photos nila ng pet dog niyang si Churro na natulog sa ibabaw ng pillow na nakatakip sa aktres.

Sabi ni KC, nagising siya na nasa ibabaw na ng unan si Churro.

Dahil ang alam ng marami ay solo lang si KC sa bahay, nagtaka sila kung sino ang kumuha ng photos nila ng kanyang pet dog. May nag-akala tuloy na si Apl.de.Ap ang kumuha ng litrato ni KC hanggang may nagsabing obvious na siya rin ang kumuha ng picture nila ng alaga niyang aso. Hindi raw kasi kita sa picture ang mga kamay ni KC at obvious na isa rito ang may hawak ng kanyang cellphone at kumuha ng photos nila ni Churro.

Sabi pa ng netizen, malisyosa ang nag-isip na may ibang kasama sa bahay si KC, hindi raw muna tiningnang mabuti ang litrato.

Hindi rin naman sinagot ni KC ang mga nagtanong kung sino ang photographer niya.

Anyway, sa post ni KC kasama ang isa sa dalawa niyang pet dogs, in-open niya ang comment box na disabled sa post niya kung saan may cyber applause siya sa mga frontliners.

Sexy ang suot ni KC at kita ang boobs at para walang bashers na makapag-comment, nag-disable siya ng comment box. Kaya nang open na uli ang comment section niya, may nagsabing netizen na alam daw kasi ni KC na iki-criticize siya dahil sa pagpapakita ng boobs kaya disabled ang comment section sa isang post niya.

Sey ni KC, “This is MY BODY. Not yours. You can do what you want with yours, I can do what I want with mine.”

Tama naman si KC, bakit ba nakikialam ang mga netizens, eh, katawan niya ‘yun at sa IG account niya siya nag-post?

***

IPINOST ni Arnold Clavio ang nakalap nilang donations ng medical equipment na ibibigay nila sa iba’t ibang ospital.

“Thank you Lord. Been busy the whole day. Inaayos ko po ang distribution ng N95 masks, aerosol box, helmets and PPEs sa iba’t ibang hospital sa Metro Manila.

"Maraming salamat sa ating mga donor na nagtiwala sa Igan Foundation- sina Nestor, Angie, Peter at lahat ng miyembro ng @vga_golf at pati mga kasama ko sa @unanghirit na sina @ivanmayrina @connie_sison @susan_enriquez at @marizumali.

"Sa mga naisip na magbigay pa ng donasyon at tulungan ang ating mga frontliners, narito po ang gagawin: Makipag-ugnayan sa Metrobank branch o online, ACCOUNT NAME: IGAN NG PILIPINAS FOUNDATION ACCOUNT NUMBER-180-7-180-511-00-4; Kuhanan ang inyong deposit slip at ipadala sa aking IG account na @akosiigan o sa aming Facebook page na Igan Foundation, Philippines."

Samantala, habang tigil muna ang live studio airing ng Unang Hirit na kinabibilangan ni Arnold, napapanood ang longest-running morning show ng GMA-7 sa Facebook.

Nag-enjoy ang mga viewers nang mapanood sina Suzi Entrata-Abrera at Susan Enriquez na ipinakita ang workouts sa segment nina Gabbi Garcia at Valeen Montenegro.

Guests din sa first FB airing ng Unang Hirit ang Kramer family at ang couple na sina Troy Montero at Aubrey Miles.

May tips naman si Lyn Ching kung paano maging free sa germs ang bahay n'yo at isa rito ay ang pag-disinfect ng mga sapatos at tsinelas bago pumasok ng bahay.

Si Connie Sison naman ay nagpakita ng galing sa kusina by sharing her Adobong Paiga recipe.

Samantala, si Yuan Francisco ay nagbahagi ng kanyang simpleng exercise pampaaliw at pantanggal-boredom ng mga bata habang nasa bahay lang.

***

KAPUSO STARS, SANIB-PUWERSA SA PAGKANTA KONTRA COVID-19

INAALAY ng mga Kapuso stars ang kanta nilang Pagsubok para sa mga apektado ng COVID-19.

Sa second week ng Buong Puso Para sa Pilipino na live, no-contact online show at fundraiser ng GMA Network, muling nagsama-sama ang mga Kapuso stars para maghatid ng saya sa mga viewers at tumulong sa mga apektado ng global pandemic.

Kinanta nila ang OPM hit na Pagsubok kabilang sina Aicelle Santos, Christian Bautista, Alden Richards, Julie Anne San Jose, Glaiza de Castro, Megan Young, Mikael Daez, Betong Sumaya, Paolo Contis, Rayver Cruz, Rita Daniela, Gabbi Garcia, Garrett Bolden, Camille Prats, Rhian Ramos at Mark Bautista.

Kasama rin sina Michael V., Pops Fernandez, Rocco Nacino, Edgar Allan Guzman, Derek Ramsay, Katrina Halili, Kyline Alcantara, Miguel Tanfelix, Ruru Madrid, Carla Abellana, Tom Rodriguez, Legaspi family, Lani Misalucha, Ken Chan, Jak Roberto, Derrick Monasterio, Boobay, Kakai Bautista, Jeric Gonzales at ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page