top of page
Search
  • Madel Moratillo​

Para makatanggap ng P5-K tulong... Manggagawa, puwedeng dumiretso sa DOLE


Maaari umanong dumiretso sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga manggagawang apektado ng enhanced community quarantine para humingi ng ayuda.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, maaaring makipag-ugnayan ang isang manggagawa sa DOLE para makuha ang P5,000 cash assistance.

Maaari aniya itong ipadala ng DOLE sa nag-request na manggagawa sa pamamagitan ng money remittance.

Kung maaaprubahan ang request, sa loob ng dalawang araw ay maaari nang matanggap ang ayuda ng gobyerno sa mga apektadong manggagawa.

Matatandaang, una nang sinabi ng DOLE na maaaring mag-apply ang mga employer sa DOLE para sa cash assistance sa kanilang mga empleyado.

Ang kailangan lang ay magsumite ng proof of payroll.

Gayunman, may ilang nagrereklamo na ayaw umanong magsumite ng requirements ng kanilang kumpanya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page