top of page
Search
  • Lolet Abania​

Painting ng tanyag na si Van Gogh, ninakaw


Berlin – Isang Vincent van Gogh painting ang ninakaw kagabi, mula sa moseo sa Laren, Netherlands, 20 miles southeast ng Amsterdam, halos kasabay nito ang 167 kaarawan ng artist.

Ginawa ang pagpasok sa moseo at pagkuha ng painting sa kasagsagan ng pagsasara sa karamihan ng gusali sa Europe at Amerika upang masugpo ang pagkalat ng coronavirus pandemic.

“I feel enormous anger and sadness. Because especially in these dark days that we are in, I feel so strongly that art is here to comfort us, to inspire us and to heal us,” pahayag ni Jan Rudolph de Lorn, director ng museum.

Rumesponde ang mga pulis ng 3:15 a.m. sa moseo, matapos ang alarma nito, subalit wala na ang mga suspek, ayon sa spokeswoman ng Dutch police.

Tumambad sa awtoridad ang basag na pintuan ng museum, gayundin, blangko na sa parte kung saan nakasabit ang painting na ‘The Parsonage Garden at Nuenen in Spring’.

Ang painting ay hiram mula sa Groninger Museum para sa espesyal na exhibition na ‘Mirror of the Soul’ na tatakbo sana mula Enero hanggang Mayo, ayon kay Andreas Bluhm, director ng Groninger.

Dahil sa coronavirus outbreak, noong March 13 ay isinara ang mga museum sa Netherlands at ang Singer Laren museum naman ay hanggang June 1. “They knew what they are doing, going straight for the famous master,” ayon kay De Lorn.

Ang larawan ay naipinta noong 1884 kung saan ang 30-year-old na si van Gogh ay nagpasyang bumalik sa kanyang mga magulang, subalit hindi pa rin kumbinsido ang mga ito sa pinasok na career ng anak na isang artist. “It is one of our main works of art. It’s an early picture, before Arles and before Paris, so it is darker and less recognizable as a van Gogh,” pahayag ni Bluhm, na umaasang maibabalik ang painting.

Gayunman, bawat piraso ng obra na kinuha mula sa isang public museum ay isang obrang ninakaw mula sa lipunan, ayon pa kay Bluhm.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page