top of page
Search
  • Ka Ambo

Mga barangay, kani-kanyang diskarte sa pagsasarado ng teritoryo makaiwas lang sa virus

DEDBOL ang walo katao na sakay ng sumabog na Lion Air sa mismong NAIA.

Isang trahedya sa gitna ng trahedya!

◘◘◘

DARAMI na ang testing center para sa COVID-19.

Siyempre, lalong lolobo ang bilang ng mga kumpirmadong may sakit.

Siyempre, liliit ang mortality rate!

◘◘◘

KANI-KANYA nang diskarte ang mga barangay sa pagsasarado ng kani-kanilang teritoryo.

Bawal ito pero hindi mapipigil!

◘◘◘

MAS marami pa rin ang mga barangay na zero COVID-19.

At ‘yan ang dapat ingatan!

◘◘◘

SANGKATUTAK ang PUM at PUI.

Dapat maisailalim sila agad sa testing kits.

Pero, imposible!

◘◘◘

PANIC ang Amerika at Europa sa “China virus” na pinagtatawanan nila dati.

Sila ang mga walang tiwala sa eksperto—pero ngayon ay nagkukumahog!

◘◘◘

GINAGAMIT na ng US ang war armaments kontra COVID-19.

Kayrami nilang nuclear arms, pero kakarampot ang kanilang gamit laban sa virus!

◘◘◘

MAS ready ang Taiwan.

Naghanda ng gamit ang Taiwan sa posibleng biological warfare ng China.

Nang magka-COVID-19, inilabas nila ang milyun-milyong face mask at protective gear.

Presto—nasawata agad nila ang peste!

◘◘◘

HINDI nakahanda ang Amerika at Europa sa biological war fare.

Ang resulta: Magbibilang sila ng patay, araw-araw!

◘◘◘

ANG Pilipinas na mas kilala bilang Tarsis at Ophir sa unang panahon—ay matagal nang tinalo ang peste at virus.

Ginamitan nila ito ng bawang, sibuyas at iba pang spices—kaya naging dakilang bansa sila—sa sinaunang panahon!

◘◘◘

BUKOD sa dami ng herbal plants sa Pilipinas, bunduk-bundok ang ginto sa teritoryong ito na ginamit upang makarekober ang ekonomiya sa unang atake ng epidemya sa daigdig.

Sa ngayon, ‘yan din ang magaganap—makarerekober ang Pilipinas at unang makaaahon ang ekonomiya!

◘◘◘

HINDI malilipol ng peste ang mga Pinoy—sapagkat mainit ang panahon dito.

Bukod d’yan, archipelago ang Pilipinas—may libu-libong isla at nakapaligid ang bundok, gubat at karagatan!

Inang Kalikasan ang magliligtas sa ‘Pinas!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page