top of page
Search
  • Beth Gelena

Kim, ipinost sa socmed ang 500 bags ng ipinamigay na groceries, tinawag na papansin

Pacquiao, pinayuhan sina Matteo at Sarah na ‘wag awayin ang magulang

Beth Gelena / Bulgary Files

Nagbigay ng marital advice si Senator Manny Pacquiao kay Matteo Guidicelli nang magkausap sila sa Facebook Live ng One Voice Pilipinas fundraising drive para sa mga apektado ng pandemic COVID-19.

Ayon sa atletang senador, ang pinagdaanan daw ni Matteo at ng misis na si Sarah Geronimo ay katulad din ng sa kanila ng misis niyang si Jinkee.

Ani Sen. Manny, "Parehung-pareho talaga. Nagpakasal kami ni Jinkee, wala 'yung magulang ko kasi ayaw niya kay Jinkee."

"What happened to you now, that was my experience. It happened to us, kami ni Jinkee before," saad ng senador.

Mahigpit daw talaga ang pagtutol ng ina ni Pacquiao na si Mommy Dionisia na magpakasal siya kay Jinkee. Pero, dahil mahal ni Manny si Jinkee ay itinuloy pa rin nila ang kanilang pagpapakasal.

Simple lang din daw ang naganap na kasalan.

Paglalahad pa ng senador, tanging ang mga magulang at relatives lang ni Jinkee ang nandu’n at ang kapatid na lalaki lang daw niya ang kanyang kasama.

Pero, hindi raw hinayaan ni Manny na tuluyan silang magkasira na mag-ina. Pinilit daw nilang mag-asawa na mapalapit kay Mommy Dionisia lalung-lalo na raw si Jinkee.

Bandang huli ay nagkasundo na rin daw sila lalo na nu’ng magkaroon na ng apo si Mommy Dionisia.

Ang payo ni Manny kay Matteo, “Huwag lang nating awayin 'yung magulang natin."

Sagot naman ng aktor, “Tama.”

Marami pang sinabi ang boxing champ sa aktor na pinakinggan namang mabuti ni Matteo.

Bandang huli, natanong ni Manny si Matteo kung gaano na raw ba sila katagal na kasal ni Sarah.

Sagot ni Matteo, “Mga one month.”

Ayon sa athlete-senator, marami pang pagsubok sa buhay ang pagdaraanan nina Matteo at Sarah at willing siyang magbigay ng advice sa mga ito base na rin sa mga pinagdaanan nila ni Jinkee sa 22 yrs. nilang pagsasama bilang mag-asawa.

***

Kim, ipinost sa socmed ang 500 bags ng ipinamigay na groceries, tinawag na papansin

Photo: IG @chinitaprincess

May mga bashers talaga na hindi na nga nakatutulong sa kapwa ay pinupuna pa ang ginagawa ng iba para makatulong sa kanilang kapwa, tulad na lang ng pagtulong na ginawa ng chinitang aktres na si Kim Chiu.

Dahil naka-enhanced community quarantine ay naisipan ng Kapamilya actress na mag-pack ng grocery items para maibahagi sa mga poor families.

Ipinost ni Kim ang 500 loot bags of groceries sa kanyang social media account.

Pinuna siya ng netizen at tinanong ng: "Why need to post? WORK IN SILENCE AND LET THE SUCCESS MAKE THE NOISE #ATTENTIONSEEKER.”

Sagot naman ni Kim sa netizen, “Posting this to inspire others to also help. I guess 'di n'yo po nakuha 'yung point. Instead you grow hate inside you. Bawasan n'yo po 'yan. Masama 'yan sa panahon ngayon. All we need is LOVE and humanity. Spread love not hate. May God bless you (heart emoji).”

Ang sabi nga ng isang netizen, “Susme, kung si Angel Locsin nga na nasama na ang pangalan sa Forbes’ Magazine kahilera ng mga philanthropist na rich people, binabatikos sa ginagawa niyang pagtulong, si Kim pa kaya?”

“Thank you, Kim. Sa totoo lang, 'yung ayaw makakita ng mga tumutulong, sila 'yung 'di pa nakakatulong, pati mga idol nilang nagtago na sa panahon ng krisis. Damot much,” sabi naman ng isa pang netizen.

***

ISANG netizen ang nakatuwaang i-message si Angelica Panganiban ng: “Hi Angelica, kung sa impiyerno ka mapupunta, sino ang isasama mo, JLC, DR o CA? #AskAngge ps katuwaan lang po.”

Sagot ng Kapamilya actress, "Wala. Ayokong may kalabasan na hindi maganda sa mga buhay nila. I wish them happiness.”

Isa pang netizen ang nagtanong sa kanya kung kaya pa ba niyang makasama sa isang project si Carlo Aquino.

Prangkang sagot ng aktres: “Hindi na. I wish him well. Pero hindi na.”

Ang diretsahang sagot ni Angelica ay binigyang-kulay ng ibang netizens. Sinasabi nilang bitter pa rin hanggang ngayon ang aktres dahil sa sagot niya kay Carlo.

“Kung hindi bitter, dedma na. Julit-julit (paulit-ulit) 'yung tanong sa kanya about Carlo kasi alam nilang negative ang reply niya. Polite pero alam mong may kurot sa dibdib,” sabi ng isang netizen.

Komento naman ng isa pa, dapat daw ay pa-good vibes ang itanong kay Angelica. Tama na raw ‘yung tungkol sa mga ex niya.

“'Yung mga commenters, umiikot na lang yata 'yung buhay nila sa mga ex ni Angelica. Ibahin n'yo naman 'yung mga tanong like, buhay pa ba ang gumupit sa bangs mo? Ano'ng nakain mo at nagpa-bangs ka? Ano'ng mas mabigat, bangs mo o bangs ni Anna Wintour? O kaya, ilang minutes kang nagdya-jogging in a day? Ganern.”

Hahaha! Oo nga naman. Minsan kasi, kailangan din nating tumawa para hindi maapektuhan ng lumalaganap na pandemic COVID-19.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page