top of page
Search
  • Maestro Honorio Ong

Horoscope | Marso 31, 2020 (Martes)


Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 31, 2020 (Martes): Aangat nang husto ang iyong kabuhayan kaya panatiliin mong nakasayad ang mga paa mo sa lupa nang sa gayun ay patuloy kang umangat.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mag-isip ka ng magagandang ideya na pakikinabangan ng marami. Ngayon ang panahon na makaiisip ka ng kakaiba at nakagugulat na pormula ng pagpapayaman. Masuwerteng kulay-purple.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sakyan mo ang agos ng buhay ngayon. Huwag kang umangal kapag mabagal ang daloy ng mga kaganapan dahil tiyak din namang bibilis ito at ikaw pa rin ang makikinabang. Mauswerteng kulay-pink.

GEMINI (May 21-June 20) - Tatalunin ka ng pagkainip. Hindi ito dapat mangyari sa iyo kaya gumawa ka ng paraan para makapaglibang ka kahit hindi ka makalabas ng bahay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige.

CANCER (June 21-July 22) - Magtiwala ka sa iyong sarili at sa nasa itaas. Mabibigat na kaganapan ang iyong nalusutan noon kaya auman ang kaganapan ngayon, ito ay iyo ring malalagpasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka dapat panghinaan ng loob. Marami ang umaasa sa iyo at ang paniniwala nila ay matibay at matatag ang iyong pagkatao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magpapatuloy ang kawalang-katiyakan ng mga araw na darating. Ang kailangan mo ay maghanap ng paraan para hindi ka gaanong umasa sa mga awtoridad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami sa mga kaibigan at kakilala mo ang handang umalalay sa iyo. Hindi ka nila bibiguin, sa halip, hinihintay pa nila na lumapit ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon ang panahon ng pagiging masinop at maparaan para sa iyo kung kailan gagamitin mo ang puwede pang magamit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-red.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iwasan mong uminit ang iyong ulo kapag mabagal umintindi ang mga tao. Sa araw na ito at sa mga darating pa, tuliro ang marami at hindi gaanong makapag-isip nang mabuti. Masuwerteng kulay-brown.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabubuo sa isipan mo ang isang magandang plano sa araw na ikaw ay tahimik at nasa bahay lang. Kapag natapos ang magulong sitwasyon, puwedeng-puwede ka nang yumaman. Masuwerteng kulay-white.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka tulad ng marami na aasa lang sa mga awtoridad. Ikaw ay tulad ng ilan na aasahan ng mga nasa paligid mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipahiram mo sa iba ang magagandang ideya mo. Huwag kang mag-alala dahil ikaw ang taong hindi nauubusan ng mga bago at kakaibang ideya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.

![endif]--![endif]--

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page