top of page
Search
  • MC

Belarus, hindi takot sa COVID-19 dinagsa ng fans ang football game


Halos lahat ng bansa sa Europa ay naka-lockdown pero ang bansang Belarus ay tuloy pa rin sa kanilang normal na buhay -- ang pagdagsa ng marami sa isang football game doon.

Tila hindi natatakot ang mga mamamayan ng Belarus na makontamina ng coronavirus disease na kumakalat na sa buong mundo dahil kung tutuusin lahat ng football tournament sa buong mundo ay itinigil na dahil sa pandemic, pero matigas ang ulo ng mga taga-Belarus.

Nitong nakaraang dalawang linggo lang ay dinagsa ng libu-libong katao ang Belarusian Premier League na tanging kompetisyon na ipinagpatuloy sa gitna ng banta ng COVID-19 outbreak.

Dinayo pa ang torneo ng mga taga-ibang kontinente sa Europa na hindi pinansin ang implementasyon ng paghihigpit sa pagdaraos ng mass gatherings.

Umabot ng halos 1,750 ang fans ng dalawang teams ng kapitolyo ng bansa, ang Minsk na hindi sinunod ang guidelines ng World Health Organization na social distancing.

Ayon sa huling datos ng WHO, ang Belarus na may 9.5 milyong populasyon ay may naitalang 94 na kaso habang wala pang nasasawi.

Maraming fans ang wala ring face masks nang dumalo bagama't nasuri ang kanilang temperatura. Marami rin ang nag-cheered sa teams nang walang mga shirts nang magsitayuan sa tuwa.

“This is an unprecedented situation,” ayon kay Alexander Aleinik, ang federation spokesman sa Reuters.

Sa ngayon, “under control” na ang sitwasyon at hinihikayat na huwag mag-panic ang kanyang mga kababayan.

“I understand that these are difficult times and all news about the coronavirus causes both unrest and great interest,” dagdag niya sa Instagram.

Inutusan naman ni Belarus President Alexander Lukashenko ang kanyang mga mamamayan noong Biyernes na magpa-sauna ng tatlong beses sa isang linggo, uminom ng vodka at palagiang maghugas ng kamay para makaiwas sa virus.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page