top of page
Search
  • BRT

Tourist destination, gagawing quarantine area


Nakatakdang gawing quarantine area ang isa sa mga isla na kinokonsidera bilang tourist destination sa Jose Panganiban, Camarines Norte.

Sa panayam kay Mayor Ariel Non, dumarami na umano ang bilang ng mga person under monitoring (PUMs) at nahihirapan na silang hanapan ng lugar para i-quarantine ang mga ito.

Kaya nagdesisyon na sila na gamitin ang Calalanay Island bilang quarantine area lalo na ng mga galing sa Metro Manila na pumasok sa Bicol Region.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng alkalde na may kumpletong pasilidad na magagamit ang mga ipapasok sa naturang isla at may nakabantay ding mga frontliners.

Magkakaroon din ng mga recreational at reflection activities na makatutulong sa mga PUMs.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page