top of page
Search
  • Bong Revilla

Pagsunod sa umiiral na EQC, malaking tulong para madaling maresolba ng deadly virus


Bong Revilla / Anak ng Teteng!

Nais ko lamang bigyang-linaw na tila nagkaroon ng kalituhan sa naglalabasang balita tungkol sa isa sa mga staff ko sa aking opisina na nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).

May ilang nagkukomento sa social media na ang buong akala ay ako ang nagpositibo sa COVID-19—hindi po ako—ito ay isa sa aking mga staff sa opisina at halos tatlong linggo na nang huli kaming makita.

Nauna pa rito ay nagkusa na akong mag-self quarantine for possible exposure dahil sa napabalitang nag-positive na resource person sa amin noon.

Matapos ang aking self-quarantine, naging bahagi ako ng aming Special Session kung saan binuo natin ang “Bayanihan to Heal As One Act” na kamakailan lamang ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang agad na maipatupad at mapabilis ang paglalabas ng pondo at makapagbigay ng tamang serbisyo, partikular sa mga mahihirap, doktor, nurses at mga health workers.

Sadyang nakagugulat at nakalulungkot nang malaman ko noong nakaraang Lunes na dinala pala sa ospital ang staff ko dahil sa pulmonya at nitong nakaraang Huwebes ng gabi lang din namin nalaman, base sa resulta ng kanyang test, na positibo siya sa COVID-19.

Sa kasalukuyan ay ginagawa na ng Medical Services Bureau ng Senado ang contact-tracing sa lahat ng maaaring nakasalamuha ng aking staff gamit ang lahat ng resources kabilang na ang CCTV.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ay huling nagtungo ng Senado ang aking staff na naging positibo sa COVID-19 noong nakaraang Marso 16.

Sa ngayon ay patuloy ang aming pakikipag-ugnayan sa pamilya ng aking staff upang maibigay ang tamang tulong para sa kanya kasabay ng aming panalangin na sana ay malampasan niya ang pagsubok na ito.

Tuloy pa rin naman ang ating pagsisikap, sa kabila ng matinding hamon na sama-sama nating hinaharap, na maipaabot ang tulong sa bawat nangangailangan.

Patuloy tayong bumubuo at namamahagi ng mga relief packs na may bigas, noodles, de-lata at vitamins. Sabado ng gabi naman, dumating ang inangkat nating 10,000 kilo ng gulay galing sa Benguet na agad nating ipinamahagi rin.

Malaking tulong kung ang bawat isa ay susunod sa umiiral na community quarantine at huwag na munang lumabas para matapos na ang pagkalat ng COVID-19 dahil habang maraming matitigas ang ulo ay matatagalan lalo ang pagresolba natin sa problemang ito.

Anak ng Teteng!

 

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ANAK NG TETENG! ni BONG REVILLA sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa anak­ng­teteng.bulgar@ gmail.com

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page