top of page
Search
  • Maestro Honorio Ong

Malinaw ayon sa birthday at zodiac sign... Mag-asawang forever na at masaya pa ang buong pamilya

Dear Maestro,

Hihingi lang ako ng masuwerteng numero, ayon sa birthday kong October 6, 1990 at kung kailan dapat tumaya at saang lotto outlet ako tatama? Sa ngayon, anim na buwan akong buntis sa ikatlong baby ko. Suwerte kaya sa aming pamilya ang sanggol na dinadala ko?

Libra ang zodiac sign ko at Aquarius naman ang mister ko na isinilang noong February 3, 1986. Compatible ba kami at kami na ang forever?

Umaasa,

Ms. Libra ng San Felix, Victoria, Laguna

Dear Ms. Libra,

Ayon sa zodiac sign mong Libra at Aquarius naman ang mister mo, tunay ngang tugma at compatible kayo dahil ang Aquarius at Libra ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong air o hangin.

Dagdag pa rito, hindi lang kayo sa Astrology o zodiac sign compatible, bagkus, tugma at suwetong-suweto rin ang inyong relasyon sa pag-aanalisang Numerology kung saan ang birth date mong 6 ay tugma rin sa birth date na 3 ng iyong mister kung saan kapwa kayo kabilang sa numerong series of 3-6-9. Sa madaling salita, dahil tugma at compatible kayo sa Astro-Numerolog, napakalaki ng tsansa na maging panghabambuhay ang inyong pagsasama.

Hinggil naman sa tinatanong mo kung suwerte ang baby na nasa iyong sinapupunan at sabi mo nga ay siya ang ikatlong anak ninyo, tulad ng nasabi na, dahil nasa series of 3-6-9 ang birth date ninyo ni mister, ang ikatlong baby ay tunay ngang magdudulot ng maraming suwerte at pagpapala sa inyong pamilya, lalo na kung siya ay isisilang sa mga petsang paborable rin sa inyong kapalaran tulad ng mga petsang 3-6-9.

Samantala, hinggil sa mapalad na numero kung saan ang birth date mong 6 ay divisible by 3, gayundin ang birth date na 3 ng mister mo, ang mga numerong may sumatotal na 3-6-9 ay siya rin magiging pinakamasuwerte ninyong bilang. Lahat ng numerong may sumatotal na 3, 6, 9 ay magbibigay sa inyo ng kakaibang suwerte at magandang kapalaran, kabilang dito ang 12, 21, 30, 39, 15, 24, 33, 42, 18, 27, 36, 45 at iba pang mga kauri nito.

Bukod sa mga numerong divisible by 3, mapalad ka rin sa numerong 1, 18, 29, 33, 40 at 42, gayundin sa 3, 9, 12, 27, 34 at 36. Maaari ka ring humugot ng suwetong kumbinasyon mula sa Cabalistic of Numbers: 461/674/891.

Upang masigurado ang malaking panalo, maghanap ka ng lotto outlet na napaliligiran ng mga sariwang bulaklak at iba pang ornamental plants na sadyang gandang-ganda ka nang ito ay iyong makita. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng malaking halaga sa anumang uri ng pakikipagsapalaran sa 2022 sa edad mong 32 pataas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page