top of page
Search
  • Ms. Jersy

Dapat gawin para mapangalagaan ang sensitive teeth


No Problem

Problema ng ilan ang pagiging sensitive ng kanilang mga ngipin dahil sa pag-inom o pagkain ng malamig, mainit o matatamis, mabilis na sumasakit ang mga ito.

Ayon sa mga eksperto, sensitive teeth ang isa sa most widespread dental complaints, kaya naman narito ang ilang home remedies para sa sensitibong mga ngipin:

  1. MAG-INGAT SA WHITENING PRODUCTS. Bagama’t, ang mga produktong may fluoride ay nakababawas ng sensitivity, maaaring hindi ito kayang gawin ng whitening products. Ito ay dahil tinatanggal nito ang stain at binubuksan ang mga ngipin, kaya mataas ang tsansa na lalong maging sensitibo ang mga ito. Gayunman, hindi porke sensitive ang mga ngipin ay hindi na puwedeng gumamit ng whitening products, pero dapat umanong mabawasan muna ang sensitivity bago gumamit ng mga ito.

  1. GUMAMIT NG TAMANG TOOTHBRUSH. Kapag hard-bristled ang toothbrush, feeling natin ay mas malinis ang mga ngipin natin, pero natatanggal nito ang enamel dito, gayunman, ang mga soft-bristled brush ay hindi nakaka-irritate ng gums. Inirerekomenda rin ng mga eksperto na tingnan ang life span ng toothbrush at kapag nagsimula nang maghiwa-hiwalay ang bristles, palitan na ito agad. Dagdag pa rito, kada tatlo hanggang apat na buwan ang average life span ng toothbrush.

  1. BRUSHING TECHNIQUE. Kapag agresibo sa pagtu-toothbrush, maaaring matanggal ang gum tissue sa paligid ng mga ngipin. Dahil dito, inirerekomenda na circular motion ang gawing brushing technique sa halip na back-and-forth. Pagkatapos magtoothbrush, make sure na gagamit ng floss para sa matanggal ang dumi sa mga areas na hindi naabot ng toothbrush.

  1. UMIWAS SA ACIDIC FOOD AT DRINKS. Sey ng experts, natutunaw ng acid ang tooth enamel, nagbubukas ng tubules at sanhi ng pagiging mas sensitive ng mga ngipin. Ang mga klase ng pagkain na acidic ay ang maaasim tulad ng citrus fruits, gayundin ang kamatis at pickles. Ang mga inuming acidic naman ay ang carbonated drinks, gayundin ang tsaa at kape.

  1. GUMAMIT NG MOUTH GUARD. Kapag nagga-grind ng ngipin, kumonsulta sa iyong dentista tungkol sa mouth guard dahil nakasisira ito ng enamel at nage-expose sa mas sensitive dentin layer ng ngipin. Ang mga may ganitong isyu ay hindi lang nagga-grind ng ngipin sa gabi dahil puwede rin silang mag-clench sa buong araw at ang parehong habit na ito ay nakasisira ng enamel at kapag nasira ito, lalong lalala ang grinding at clenching.

Ayan, mga besh, siguradong makatutulong ito sa inyong sensitibong mga ngipin. Gayundin, siguraduhin n’yong regular pa rin kayong kokonsulta sa inyong dentista nang sa gayun ay sure na maiingatan ang inyong mga ngipin. Okie?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page