top of page
Search
  • Nitz Miralles

Video ni Iza na hirap huminga at naka-oxygen, kumalat, ipinatatanggal ng manager


Nitz Miralles / Bida

Napanood namin ang video ni Iza Calzado na sabi ng manager nitong si Noel Ferrer, nakunan bago pa lumabas ang resulta ng COVID-19 test ng aktres.

Sa video, hirap magsalita si Iza at may oxygen siya at sabi pa, nahihirapan din siyang makapunta sa banyo kaya tinutulungan siya ng nurse ng hospital. Pero sa update ni Noel, mabuti-buti na ang lagay ni Iza.

Aniya, “GOOD DISPOSITION. GOOD SENSE & PRUDENCE.

"I knew Iza is coping very well because of her display of good disposition. She said, (even in jest),

'Nasa akin ang corona' - while really wanting to share her learnings and realization as she is continuously battling with the virus.

"For the first time last night she said, she slept well and is about to complete her cycle of antibiotics. She is ok, and she is thankful to everyone who has been attending to her and who has sent their messages of concern and love.

"She is better now than a few days ago when she sent a personal video to update friends and family about her condition.

"Unfortunately,-an old video has been carelessly circulated online passing it off as Iza’s present state. There’s a lesson to be learned here-GOOD SENSE. Sound judgment dictates that one should be able to discern what is personal from what is for public consumption. (Please take those videos down, they are not yours and you don’t have permission!) Let us always be PRUDENT and try to base all our decisions and actions on what will show hope and care which we all so need at this

time. Keep safe everyone!

"Still and again, let’s keep #PrayingForIza and all our needy kababayans.”

Kaya lang, mukhang hindi pa sinusunod ang panawagan ni Noel na alisin ang video ni Iza dahil napanood pa namin ito kahapon.

***

Dingdong, naka-navy uniform at balot na balot nang mamigay ng pagkain sa mga frontliners

PINANGUNAHAN ni Dingdong Dantes ang MESA Team na nag-distribute ng mga food packs para sa mga frontliners.

Naka-Navy uniform si Dingdong nang sumamang mag-distribute ng mga food packs sa Quezon City General Hospital, Jose Reyes Medical Center, Rosario Maclang Bautista General Hospital at Philippine Heart Center.

Buong linggong magdi-distribute ng mga food packs ang Mesa Team sa different locations at hindi lang sa mga hospital sila mamimigay, pati sa mga sundalo at pulis na nasa checkpoints at nangangalaga sa katahimikan at kaayusan.

Si Dingdong ang celebrity endorser ng Mesa chain of restaurants kaya sumama rin siyang mag-distribute ng mga food packs. Hindi lang agad makikilala si Dingdong dahil bukod sa naka-military uniform, may suot pang face mask at dark glasses.

Speaking of Dingdong, hindi na siya mapapanood sa Encantadia dahil namatay na last Friday ang karakter niyang si Raquim. Pero mapapanood pa rin siya sa GMA-7 dahil simula ngayong Lunes, ibinalik ng network ang Alyas Robin Hood 1 na pinagbidahan niya.

Mapapanood ang Alyas Robin Hood 1 pagkatapos ng Onanay na ang time slot naman ay after ng Ika-6 na Utos.

Action-packed ang Alyas Robin Hood 1 kung saan si Dingdong ang gumanap bilang si Pepe de Jesus. Kabilang din sa cast sina Christopher de Leon at Jaclyn Jose as Pepe’s parents, Megan Young, Andrea Torres, Sid Lucero, Cherie Gil at marami pang iba.

***

ANGELICA, FEELING NASA IBANG BANSA DAHIL SA GINAGAWA NI MAYOR VICO

ANG ganda ng post ni Angelica Panganiban tungkol sa kapitbahay niya na katapat lang ng kanyang bahay sa Pasig City. Hindi niya ito nakikita kahit one year na siyang nakatira sa compound na 'yun.

Nakita lang niya ang neighbor niya ngayong nasa enhanced community quarantine ang bansa at habang nagkukuwentuhan sila ni Ketchup Eusebio.

Kuwento niya, “Nagkukuwentuhan kami sa veranda, lumabas siya, nakipagkuwentuhan sa 'min, nagpalitan kami ng pangalan at hinagisan kami ng cheese, naghagis din kami ng tsokolate galing Dubai. Kinunan niya kami ng picture at nagpalitan kami ng number. Mula noon, kapag nakikita naming may bukas na ilaw, lumalabas kami at nagtatanungan kung ano'ng ulam. Baka raw gusto namin ng kaldereta.

"Sa hirap ng nararamdaman natin ngayon, napakasarap pa ring bumalik sa basic. Simpleng pag-check sa isa’t isa. Simpleng text at kumusta, napakalaking bagay.

"Dahil sa quarantine, may bago na 'kong kaibigan dito. Minsan, tingnan din natin ang maliliit na bagay na maaaring magpagaan o kahit dumulas lang 'yung isang araw na kaya mo pa rin. Palagi mong iisipin 'yung mga bayani nating sinasagip ang buhay nating lahat.

"Napakapalad natin. Tayong lahat na may bahay, kama, pagkain, kaibigan at pamilya sa mga oras na ito. Nakakatulog tayo sa gitna ng kaba at takot. Ang mga doctors, nurses, frontliners, walang tulog sa gitna ng pagod at pagbuwis ng buhay. Ipagdasal natin sila. Tulungan natin sila sa pamamagitan ng pananatili sa bahay.”

Samantala, may tweet si Angelica patungkol sa Pasig. Aniya, “Sa Pasig, parang nasa ibang bansa kami dito. Salamat, Mayor Vico (Sotto)! Sana ma-inspire ang iba. May posisyon o wala.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page