top of page
Search
  • MC

Matatandang may tiket ng soccer games, hinahatiran ng team ng relief goods


Kinakailangan sa panahon ngayon ng pandemic ay manatili lamang sa loob ng tahanan ang mga matatanda dahil sila ang madaling tamaan ng coronavirus.

Upang maibsan ang kanilang lungkot at pangamba, umiiral ang pusong mapagmalasakit ng nakararami para sa kanila. Sa Rome, isa sa capital football ng bansang Italya, ang Roma team ay nagdedeliber ng mga emergency care packages sa bawat pinto ng mga tahanan ng kanilang mga matatandang fans.

Patuloy na binabayo ng coronavirus outbreak ang Italya at rumehistro na ngayon ng 86,000 kaso ng may COVID-19, may 969 ang nasawi sa loob lamang ng isang araw kung saan may kabuuang 9,000 na ang pumanaw.

Nanatili na lamang sa loob ng bahay ang lahat ng mga matatanda mula nang itakda ang lockdown sa buong bansa. Lahat ng may edad 75 pataas na may mga hawak ng tiket ng kanilang laro ay hinahatiran ng Roma Cares ng relief goods.

Ang kahon na kanilang ipinamamahagi ay may lamang pasta, biskwit, bote ng beer, 10 surgical masks, 10 pares ng protective gloves at limang bote ng hand sanitizer at magasin ng Gazzetta dello Sport.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page