top of page
Search
  • Madel Moratillo

Laguna, naka-total lockdown na


Isinailalim na sa total lockdown ang buong Laguna makaraang umakyat sa 17 ang kaso ng COVID-19 sa naturang probinsiya.

Base sa Facebook post ni Laguna Governor Ramil Hernandez, kabilang sa mga may kaso ng COVID-19 ang Santa Rosa na may 7 kaso, Biñan (3); Calamba, (2); San Pedro, (2); Cabuyao, (1); Los Baños, (1); Lumban (1).

Una rito, walong bayan ang ini-lockdown dahil sa COVID-19 — Kalayaan, Paete, Pakil, Pangil, Siniloan, Famy, Mabitac at Santa Maria.

May kabuuang 24 na bayan ang probinsiya ng Laguna.

Marso 21 nang kumpirmahin ng municipal government ng Los Baños na namatay ang unang kaso ng COVID-19 case sa kanilang lugar.

Sa ngayon, aabot umano sa 687 ang persons under investigation (PUIs) sa Laguna habang 8,859 naman ang persons under monitoring (PUMs).

Aabot naman sa 1,277 ang cleared sa naturang kaso.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page