top of page
Search
  • Lolet Abania

Pinakaaktibong bulkan sa Indonesia, sumabog


Jakarta – Pumutok ang pinakaaktibong bulkan sa Indonesia na Mount Merapi kahapon, Marso 27 at nagbuga ng halos 5,000m na ashes, kung saan ito ang ikalawang major eruption na naganap ngayong buwan.

Napuno ng abo at mga buhangin ang kalapit na lugar, kasama na rito ang cultural capital ng Indonesia na Yogyakarta, subalit walang idineklarang pagtaas ng alert level ang awtoridad.

“There has been no reports of damage from the eruption. We urge people to stay calm and not panic,” ayon kay Agus Wibowo, spokesman ng national disaster mitigation agency.

Kamakailan lang, naitala ang pagsabog ng Mount Merapi, na nagdulot ng halos 6,000m matinding ash cloud sa buong lugar.

Ang nasabing eruption ay bumalot sa Yogyakarta at sa katabing bayan na Solo ng makapal na abo kaya napilitang ipasara ang isang airport.

2010 ang huling pagputok ng Mount Merapi, na nag-iwan ng 300 kataong namatay at pag-evacuate ng 280,000 residente.

Gayundin, naganap ang pinakamalakas na pagsabog ng Mount Merapi noong 1930, na pumatay sa 1,300 katao at noong 1994, nasawi ang 60 katao.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page