top of page
Search
  • Gerard Arce

Krisis sa COVID 19: Gold medalists ng Olympics huli sa ban substance

Sa kabila ng krisis sa coronavirus ang dalawang Olympic gold medalists na kabilang sa apat na atleta ng Russian track and field ang nahulihang lumabag sa doping ruling.

Nahaharap sa paggamit ng ipinagbabawal na sangkap sina 2008 Beijing Olympic high jump champion Andrei Silnov at 2012 London Olympics 400-m hurdles gold medalist Natalya Antyukh.

Inihayag ng Athletics Integrity Unit na ibinase umano ang naturang kaso sa imbestigasyon sa Russian doping para sa World Anti-Doping Agency na pinresinta noong 2016 ni Canadian lawyer Richard McLaren.

Ang dating Olympic champion na si Silnov ay ang senior vice-president ng Russian Track Federation hanggang noong Hunyo, ngunit siya ay nagbitiw sa AIU dahil sa kanyang pag-uugali. Ayon sa AIU, kabilang sa kanyang kaso ay ang hinihinalang pagkakaroon ng ipinagbawal na DHCMT, na kilala rin bilang turinabol.

Kabilang rin ang dalawang atletang sina Yelena Soboleva, na nagwagi ng silver medal sa 1,500 sa 2006 world indoor championships at retired hammer thrower Oksana Kondratyeva.

Sinabi ng AIU na ang kaso ni Soboleva ay nauugnay sa isang retested sample mula sa 2007 world championships, kung saan hinubaran na ito ng pilak na medalya sa event dahil sa inaakusahang pamamaraan ng mga track and field athletes na nakipagpalit ng urine samples, isang kasong inuugnay sa alegasyon laban sa Russian state na may kinalaman sa 2014 Sochi Olympics.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page