top of page
Search
  • Gina Pleñago

24/7 COVID-19 hotline kada barangay


Inoobliga ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay ang 201 kapitan ng barangay na maglagay ng 24/7 COVID-19 hotlines sa kanilang lugar.

Layunin nito na mapadali ang komunikasyon sa mga residente na may concern habang sila ay naka-quarantine.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, sa pamamagitan ng barangay hotline system ay mababawasan ang paglabas-labas ng mga residente sa kanilang bahay para maiwasan na mahawa o magkaroon ng virus.

Kabilang sa iniiwasan ay ang pagkukumpulan sa barangay hall para magtanong ng schedule ng delivery ng food packs, pagpapalista ng beneficiaries at ang pagtatanong ng schedule ng disinfection sa kanilang lugar.

Pagdidiin ng alkalde, kahit tig-iisang barangay COVID hotline ay makatutulong na para maiwasan ang paglabas ng mga constituents sa lungsod.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page