Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Sarangani, niyanig ng magnitude 6.1

March 27, 2020

 

Naitala ang magnitude 6.1 na lindol sa Sarangani na naramdaman sa ilang lugar sa Mindanao kagabi.
 

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-11:38 ng gabi nang mangyari ang pagyanig na natunton sa layong 46 na kilometro ng bayan ng Maasim sa Sarangani.
 

Naramdaman ang Intensity V sa mga bayan ng Maasim, Glan at Malapatan sa Sarangani; Tupi, South Cotabato; General Santos City at Palimbang, Sultan Kudarat.
 

Ramdam din ang Intensity IV sa Jose Abad Santos, Malita at Sarangani sa Davao Occidental; at Koronadal City habang Intensity III sa Davao City; mga bayan ng Maco at Mawab sa Davao de Oro.
 

Kung pagbabatayan naman ang instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity VI sa General Santos City; Intensity V sa Alabel at Malungon, Sarangani; Intensity IV sa Koronadal City at Intensity I sa Gingoog City, Misamis Oriental.
 

Nakapagtala na rin ang Phivolcs ng ilang aftershocks habang patuloy pang inaalam ang lawak ng pinsalang idinulot ng lindol.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr