Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Pahiwatig na ‘di dapat magpakasal ngayong 2020

March 27, 2020

Socrates Magnus

 

Salaminin natin ang panaginip ni Tere ng Teresa Santos na ipinadala sa Facebook Messenger.

 

Dear Professor,

 

Ayaw akong papasukin sa palengke. Sabi ng bantay, bawal mamili dahil sarado raw ‘yung palengke, pero nakita ko na bukas dahil may mga namimili.

 

Ano ang ibig sabihin nitong panaginip ko, may kaugnayan ba ito sa COVID-19?

 

Naghihintay,

Tere

 

Sa iyo Tere,

 

Totoong marami ang mapa-praning kapag nagtagal pa ang lockdown dahil hindi kayang sustentuhan ng gobyerno ang pagkain ng lahat ng tao. Kahit ang tao ay may pagkain, ang buhay ay nakakapraning din dahil ang tao ay hindi lang sa tinapay nabubuhay kundi sa iba pang mga bagay.

 

Tulad ng dapat ay nababago ang kanyang kapaligiran dahil kapag ang kanyang paligid ay hindi nagbabago, mapapaisip siya kung siya ay nakakulong at ang pagkakakulong ay talagang nakakapraning.

 

Kapag ang tao ay puro de-lata ang kinakain ay maaaring magkasakit sa balat at ang sakit na ito ay nakakapraning din. Kasama sa relief goods ang mga noodles, pero nakalimutan yata ng mga namamahala rito na hindi ipinapayo na kumain ng mga noodles ang mga tao, lalo na kung halos araw-araw itong kakainin.

 

May kaibigan akong abogado at nakita ko sa FB niya na dapat daw ay samahana ng mga seeds o buto ng mga gulay o halaman ang mga ipinamimigay na relief goods nang sa gayun ay may gulay na maitanim at makain ang tao. Tulad ng masarap at masustansiya na petchay kung saan sa loob ng 14 days ay may aanihin na at puwede pang maibenta sa mga kapitbahay. Ang iba pang mga tanim na gulay ay maaari namang mapakinabangan sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.

 

Tinatayang aabot pa sa buwan ng Mayo ang problemang kinakaharap natin kaya mas maganda na magtanim na ang mga tao kaysa umasa sa ipinamimigay na pagkain ng gobyerno dahil may mga hindi inirerekomendang kainin ng mga tao sa mga ito tulad ng noodles at de-lata.

 

Ang iyong panaginip ay bagama’t, may senaryo nang bawal mamalengke dahil sa COVID-19 ay nagsasabing kung binalak mong mag-asawa o magpakasal ngayong taon, sabi ng iyong panaginip ay hindi ito matutuloy, as in, hindi ngayon ang best time for marriage para sa iyo.

 

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr