Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

POC sa Vietnam host ng SEAG 2021, inilipat ang petsa dahil sa pag-reset ng Olympics

March 27, 2020

Masyado nang dikit sa petsa ng 2021 Southeast Asian Games ang petsa ng paglipat ng Tokyo Olympics sa susunod na taon kaya naman hiniling ng Philippine Olympic Committee sa host Vietnam na iurong na rin ang petsa ng biennial games sa huling bahagi ng naturang taon.

 

Naunang na-pressure ang International Olympic Committee (IOC) na i-postpone ang Tokyo games sa 2021 dahil sa COVID-19 outbreak na siya namang madidikit sa petsa ng idaraos na SEA Games sa Vietnam.

 

Kaya naman suportado ng POC ang ideya na iatras na rin ang petsa sa Vietnam ng SEAG. “We will recommend that Vietnam hosts the 31st SEA Games during the latter part of the year,” ayon kay POC president Abraham “Bambol” Tolentino sa isang statement.

 

Plano raw idaos ng Vietnam ang 31st edition ng Nob. 21 hanggang Dis. 2 pero wala pang approval ng SEAG federation na suportado na ng POC ang naturang petsa dahil ang Hulyo-Agosto ang panahon ng Tokyo games.

 

Sina gymnast Carlos Yulo, pole vaulter EJ Obiena at boxers Eumir Marcial at Irish Magno ang mga may tiket na sa Tokyo habang ang iba pang atleta ay nasa gitna pa ng qualifying stage.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr