Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

P2 bilyon dagdag-pondo para sa manggagawa — DOLE

March 27, 2020

 

Makatatanggap ng dagdag na P2 bilyon pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) para magamit sa pagbibigay ng tulong sa mga manggagawang apektado ng lockdown.

 

Matatandaang, naglabas na ng P100 milyon ang DOLE bilang ayuda sa mga manggagawa at madaragdagan pa ito ng P2 bilyon sa Abril 1.

 

Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, nabigyan ng dagdag-pondo ang DOLE kasunod ng pagkakalagda sa Bayanihan Act.

 

Kaugnay nito, may dalawang proyekto umano ang ahensiya para sa mga manggagawa — COVID-19 Adjustment Measure Program kung saan makatatanggap ng P5,000 ang mga nasa pribadong sektor at sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displace/ Underprivileged Workers (TUPAD) para sa mga informal workers.

 

Umabot naman sa 4,076 establisimyento at kumpanya sa bansa ang dumulog sa DOLE para magamit ang cash assistance program.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr