Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Mga pagkaing nasamsam sa mga smuggler, ‘wag bulukin sa bodega, i-donate na lang!

March 27, 2020

Imee R. Marcos / Buking!

 

Kalderong walang laman, sikmurang kumakalam! Ito ang sigaw ng ating mga kababayang mahihirap na na-displaced sa trabaho at nahinto ang pinagkakakitaan dulot ng enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa Covid-19.

 

‘Kaloka! Hindi naman sila puwedeng pagbigyan na ituloy ang pagpasok sa trabaho kasi iniingatan nating huwag nang lumalala pa ang pagkalat ng virus.

 

Kaya, maya’t maya na lang ay nangangalampag sa ating pamahalaan na kung puwede lang, unahin na ang pagbibigay ng solusyon sa pagkain at gamot!

 

Dapat magtayo ang mga LGUs ng sarili nilang feeding assistance center na siyang tututok sa distribusyon ng pagkain alinsunod sa tuntuntin ng social distancing.

 

Saka, bakit ba hindi na lang ilabas sa bodega ng Bureau of Customs ‘yung mga nakaimbak na pagkain d’yan na nasamsam sa mga smuggler? Huwag nang bulukin ‘yan sa bodega. I-donate na ‘yan!

 

Tapos kausapin na rin ang mga food manufacturers para ipamudmod na lang sa mga mahihirap ang mga sobra-sobra nilang produkto na matetengga lang at masasayang. I-donate na rin ‘yan!

Huwag nating hintaying mauwi sa anarkiya ang sitwasyon sa bansa at maitulak ang ating mga kababayan na gumawa ng karahasan dahil wala na nga silang makain.

 

Kaya hirit ko, ilabas na ang puwedeng ilabas na pondo ng gobyerno, todo na ‘to! It’s now or never! Ganern!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr