Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Maraming naging PUM sa COVID-19 dahil kina Sen. Koko at Cong. Yap, tsk!

March 27, 2020

Pablo L. Hernandez III / Prangkahan

 

KAILANGANG SERYOSOHIN NG MGA PINOY ANG ‘STAY AT HOME’ KUNG GUSTO NATING MATAPOS AGAD ANG IPINATUTUPAD NA LOCKDOWN—Wala nang local transmission ng COVID-19 sa buong mainland China at dahil d’yan, ayon sa Chinese gov’t. ay posibleng alisin na nila ang lockdown sa Wuhan City (pinagmulan ng deadly virus) ngayong Abril 8, 2020 upang manumbalik na sa normal ang pamumuhay ng mga residente sa lungsod na ito.

 

Kaya naman, panawagan natin sa ating mga kababayan, kung nais nating matapos na rin ang ipinatutupad na lockdown sa Luzon, makiisa at seryosohin natin ang panawagan ng gobyerno na “stay at home” upang maglaho na ang salot na virus, period!

 

◘◘◘

 

DALAWANG PERHUWISYONG ‘LINGKOD-BAYAN’—Naturingang lingkod-bayan sina Sen. Koko Pimentel at ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap, pero perhuwisyo ang dulot nila sa taumbayan.

 

Mantakin ninyo, alam naman nilang under PUI (Patient Under Investigation) sila dahil masama na ang kanilang pakiramdam kaya nagpa-COVID-19 test sila, pero gala pa nang sila gala.

 

Ang nangyari tuloy nang makumpirmang positibo sila sa virus, naitala bilang mga PUM (Patient Under Monitoring) sa deadly virus ang mga nakasalamuha ni Sen. Koko sa Senado, Makati Medical Center, S&R Grocery sa BGC at Taguig City, gayundin ang mga nakasalamuha ni Cong. Yap sa Palasyo at Kongreso, tsk-tsk-tsk!

 

◘◘◘

 

SEN. KOKO AT CONG. YAP, DAPAT MAG-RESIGN—Nag-sorry sina Sen. Koko at Cong. Yap sa publiko tungkol sa ginawa nilang kapabayaan habang sila ay under-PUI.

 

Hindi puwedeng sorry lang, ang dapat nilang gawin ay sabay silang mag-resign kasi inilagay nila sa panganib ang buhay ng napakaraming tao na nakasalamuha nila, period!

 

◘◘◘

 

PARA WALANG GULO, PROMISE NA P5K hanggang P8K SA MARALITA, IBIGAY NA—Marami sa ating mga kababayang maralita ang masama ang loob dahil hanggang ngayon, hindi pa rin naibibigay ang promise na P5K hanggang P8K ayuda na pambili ng kanilang makakain.

 

Kailangan ng apurahin ng gobyerno na maibigay agad ang tulong pinansiyal sa mga maralitang Pinoy para hindi na nila sabayan ng panggugulo ang krisis sa coronavirus na nararanasan ngayon ng bansa, boom!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr