Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Kaya naman pala super-sikat kahit anong panahon! Buko juice, ‘di lang basta refreshing, umaapaw din sa health benefits

March 27, 2020

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

 

 

“Summer or not, coconut is not only refreshing, but it can also help us medicinally.”

  

Noon pa man, usung-uso na ang buko juice, kumbaga, all year round, ang buko ay best-selling fresh juice dahil ito ay masarap at nagbibigay ng ginhawa, gayundin, hindi lang ito panlaban sa uhaw dahil ito rin ay nakakabusog.

 

Loaded na loaded ang buko juice ng mahahalagang nutrients, mineral at vitamins kaya bakit ka pa iinom ng sofdrinks, eh di sa buko juice ka na!

 

Ang isang baso ng buko juice ay nagtataglay ng 9g carbs, 3g fiber at 2g protein, gayundin, mayroon itong:

  • Vitamin C: 10% ng recommended daily intake (RDI)

  • Magnesium: 15% ng RDI

  • Manganese: 17% ng RDI

  • Potassium: 17% ng RDI

  • Sodium: 11% ng RDI

  • Calcium: 6% ng RDI

 

Samantala, narito ang iba pang benepisyo na makukuha sa buko juice:

  • May kakayahan itong tanggalin ang mga toxic elements katawan

  • Nakatutulong ito sa mga may problema sa atay o liver

  • Nakapagpapababa ng blood pressure at insulin level

  • Marami ang nagpapatunay na ang buko juice ay maganda sa kidney dahil ito ay panlaban sa kidney stones

  • Nagpapalakas ng puso

  • Kaya nitong labanan ang pamumuo ng blood clot

  • Punumpuno ito ng electrolytes kaya ito ay inirerekomenda sa mga nag-e-ehersisyo at mga nawalan ng electrolytes

  • Kayang labanan ng buko juice ang mga side effects ng gamot laban sa kanser

 

Malinis ang buko juice na galing mismo sa buko kesa sa mga flavoring lang, kaya dapat na manggaling sa totoong buko ang iinuming juice.

  

Dagdag-kaalaman: Ang buko ay ang bunga ng coconut tree na 6 to 7 months old. Ang coconut o niyog ay bunga ng coconut tree kung saan ang niyog ay 11 to 12 months old kaya magkaiba ang sabaw ng niyog sa buko juice.
 

Good luck!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr