Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Kahit wala pang gamot... Natural na depensa ng tao, dapat palakasin vs. COVID-19

March 27, 2020

Sr. Socrates Magnus II

 

Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy sa kasaysayan ng mundo na may kaugnayan sa mga salot, peste at mga karamdamang pumatay ng napakaraming tao.

 

Dito sa Pilipinas, naka-lockdown na ang buong Luzon, pero ang iba pang lugar sa Visayas at Mindanao ay naka-lockdown na rin. Tinawag ito ng gobyerno na “enhanced community quarantine”, pero maituturing pa rin itong lockdown.

 

Dahil dito, ang mga tao ay hindi gaanong takot at labas pa rin nang labas ng bahay at ayaw sundin ang utos na manatili sa bahay. Sabagay, ang mga Pinoy ay kakaiba, as in, wala tayong katulad. Noong sumabog ang Taal Volcano, ang utos ng gobyerno ay mag-evacuate, pero hindi ito sinunod ng mga tao at ayaw umalis sa kanilang bahay.

 

Ngayon naman, ang utos ay “stay at home”, pero alis pa rin nang alis ang mga tao at kung saan-saan pumupunta, nakikipag-chismisan pa sa kalsada at parang namamasyal pa.

 

Kaya lang, ang gobyerno kakaiba rin, kumbaga, sinasabi nilang hindi magdedeklara ng Martial Law dahil sa tingin nila ay ayaw ng tao ng Martial Law, pero sa totoo lang, mas gugustuhin pa ito ng marami.

 

Sa Martial Law, nakakabiyahe ng mga tao— may pampublikong sasakyan tulad ng bus, jeep, taxi, gayundin, merong eroplano at may barko. Ang mga tao ay may kalayaan kung saan nila gustong pumunta. Bagama’t, may curfew, pinauuwi rin ang mga nahuhuling lumalabag dito.

 

Gayundin, bukas ang mga pamilihan, kahit ang mga karinderya bukas at kahit ang mga panggabing restoran ay bukas din hanggang sa oras ng curfew.

 

Samantalang ngayon, ikaw ang magsabi, mas gugustuhin mo pa ba Martial Law kaya sa lockdown ng gobyerno?

 

Pero ang kinatatakutan natin ngayon ay ang panganib na maaaring tamaan ng nakahahawang sakit na Coronavirus Disease 2019 o COVID-19, kaya tama lang na huwag lumabas ng bahay upang makaiwas sa nasabing sakit.

 

Ayon sa mga eksperto, wala pang gamot sa COVID-19, pero marami ang hindi nakakaalam na wala rin namang gamot sa sipon, ngunit kapag malakas ang immune system, gumagaling ang sipon. Dahil dito, naniniwala ang mga eksperto na gagaling din ang may COVID-19 kapag lumakas ang kanyang immune system.

 

Kaya mas magandang magsagawa ang gobyeryno kampanya na tututok sa pagpapalakas ng natural na depensa ng tao. Ang natural na depensa na tinutukoy natin ay ang immune system.

 

Itutuloy

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr