Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Jack Ma, tinawag na ‘a real friend’ ng Russia

March 27, 2020

 

Moscow — Nakatanggap ng mahigit 1 million masks at 200,000 coronavirus testing kits ang Russia bilang regalo ni Chinese billionaire businessman Jack Ma, ayon sa Defense Ministry.

 

Tinawag na “a real friend” ni Defense Minister Sergei Shoigu si Ma, co-founder ng Chinese e-commerce giant na Alibaba, nang magkausap sila sa telepono, bilang pasasalamat nito sa pagtulong ng Moscow noon sa China.

 

Ipinadala na ang mga medical equipment na gagamitin ng Russia mula sa foundation ng Alibaba at ni Ma.

 

Ayon sa Russian Defense Ministry, ang regalong ibinigay ni Ma ay kinuha mula China ng isang Russian air force plane.

 

Gayundin, umaasa si President Vladimir Putin na mapagtatagumpayan ng Russia na labanan ang COVID-19 sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan, kung magsasagawa ng matinding batas ukol dito.

 

Sa ngayon, suspendido na ang mga international flight, ipinasara na ang maraming pamilihan sa Moscow at ipinatigil din ang ilang church services.  Sa report, may 182 bagong kaso, pinakamalaking naitala sa isang araw na tinamaan ng coronavirus at may kabuuang bilang na 840 infected ng COVID-19 sa Russia.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr