Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Paggamit ng cellphone sa palikuran, dahilan ng pagkalat ng germs

 

 

Cellphone sa umaga, cellphone sa gabi. Kahit saan ka tumingin, halos lahat ay may hawak na cellphone, lalo na ngayong bawal nang lumabas dahil sa pagtindi ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa.

 

‘Yung tipong kahit sa hapag-kainan, kusina, higaan at maging sa palikuran o comfort room, may mga gumagamit pa rin ng cellphone.

 

Pero knows n’yo ba, mga lodi, na ang paggamit ng cellphone sa palikuran ay nakakapagdulot ng hindi magandang epekto sa ating kalusugan?

 

Ayon sa pananaliksik na nai-publish ng Annals of Clinical Microbiology and Antimicrobials, 95% ang chance na magkaroon tayo ng bacterial contamination na nakakapagdulot ng iba’t ibang uri ng infections dahil ang bathroom ay punumpuno ng germs, pathogens at mga bakterya na maaaring pumasok sa ating katawan.

 

Sey ng experts, ang pinakakontaminadong bahagi ng palikuran ay ang doorknob, toilet handle, ang lapag o sahig at gripo. Kaya kahit maghugas ka ng kamay, kung direkta mong hahawakan ang gripo para patayin pati sa paghawak sa doorknob, madadapuan ka pa rin ng germs.

 

Imagine, tapos habang kumakain ay hahawakan mo ang cellphone mo na ginamit mo rin sa loob ng

palikuran. Eww, di ba?

 

Gayundin, ayon sa mga researchers, ang norovirus na nagdudulot ng diarrhea, E. coli, salmonella, shigella, hepatitis A, MRSA, Streptococcus at ang stomach flu ay may kaugnayan din sa paggamit ng bathrooms. Ang nakuha nating germs galing sa palikuran ay maaari nating maikalat sa iba pang bahagi ng bahay dahil aminin man natin o hindi, halos hindi na natin binibitawan ang ating mga cellphones.

 

Kaya matutong linisin nang wasto ang buong palikuran at ang pinakamainam ay huwag nang magdala at gumamit ng cellphone sa C.R. dahil maging ang pagpa-flush nito o pagbuhos sa toilet bowl ay nagre-release din ng aerosolized germs o toilet plume.

 

Sey ng associate professor of environmental and occupational health ng University of Arizona na si Dr. Kelly Reynolds, “When you flush the toilet, water with feces and urine sprays about six feet in every direction.”

 

Sa pamamagitan ng pagsa-sanitize ng palikuran, wastong paghuhugas ng kamay at hindi madalas na paggamit ng cellphone, maaari nating maiwasan ang germs na nagdudulot ng iba’t ibang uri ng sakit. Okie?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr