Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Horoscope | Marso 27, 2020 (Biyernes)

March 27, 2020

Maestro Honorio Ong

 

Sa may kaarawan ngayong Marso 27, 2020 (Biyernes): Walang pagsubok sa buhay na hindi mo malalagpasan. Ibahagi mo sa iyong mga kapwa ang mga paraan kung paano mo napagtagumpayan ang mga ito.

 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Higit na malakas ka kaysa sa iba at lumalakas ka pa kapag ang isipan mo ay payapa at ang katawan mo ay masigla. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang pumayag na talunin ka ng lungkot. Balikan mo ang mga hamon ng kapalaran na iyong pinagwagian at sa ganitong paraan, ang lungkot ay iyong matatalo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Sumunod ka sa utos na huwag lalabas ng bahay. Mas kakayanin mo ang lungkot kaysa sa manganib na magkasakit kaya tiisin mo na hindi muna lumabas para magsaya. Masuwerteng kulay-green.

 

CANCER (June 21-July 22) - Pagtitipid ang pinakamahalaga sa mga panahon na walang katiyakan kung gaganda na ang kinabukasan. Huwag mo ring kaligtaan na makibahagi sa mga pagdaramayan. Masuwerteng kulay-yellow.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Dahil walang magawa sa loob ng bahay, mas magandang isulat mo ang iyong mga karanasan at magagandang pananaw na naglalabas-masok sa iyong isipan ngayon. Masuwerteng kulay-purple.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Taglay mo ang kakayahang makita kung ano ang pinakamagandang solusyon kapag ang mga mahal mo sa buhay at ikaw ay nakararanas ng panghihina ng katawan. Masuwerteng kulay-pink.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pansinin ang mga walang magawa kundi ang manira at mamintas sa mga pagsisikap ng mga tao na labanan ang kasalukuyang problema ng buong mundo. Masuwerteng kulay-beige.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tumulong ka at makibahagi sa paghahanap ng paraan para mabawasan ang paghihirap ng mga tao. Ikonsidera mo na ang sama-samang ideya ay mas mapakikinabangan ng lahat. Masuwerteng kulay-blue.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pamunuan mo ang grupo na handang tumulong sa mahihina. Taglay mo ang kakayahang mamuno sa maraming tao para makapagbigay ng alalay sa mga nangangailangan. Masuwerteng kulay-black.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo mapipigilan ang iyong sarili na tumulong sa kapwa kahit sa totoo lang ay kailangan mo rin ang tulong. Ito ang banal na misyon mo mula nang ikaw ay isinilang. Masuwerteng kulay-violet.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit ikaw mismo ay malungkot at nag-aalala, makikitang pinasasaya mo ang mga tao. Mahirap paniwalaan, pero ito ang mangyayari sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-peach.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ibahagi mo ang magadang ideya na meron ka para maibasan ang hirap ng maraming tao. Mas maganda rin na ikaw mismo ang maging huwaran sa pag-alalay sa mga walang kakayahan. Masuwerteng kulay-red.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr