Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Gestational diabetes, delikado sa pagbubuntis, ‘wag dedmahin

March 27, 2020

Dr. Shane M. Ludovice, M.D / Sabi ni Doc

 

 

 

Dear Doc. Shane,

                   Ako ay kasalukuyang  buntis sa aking panganay. Nais kong malaman kung ano ba ang tinatawag nilang gestational diabetes? Wala naman akong diabetes pero ang sabi ng hipag ko ay delikado raw ito. Maaari ba ninyong talakayin ang tungkol sa sakit na ito? - Lourdes

 

 

Sagot

Ayon sa International Diabetes Federation, isa sa bawat pitong buntis na babae, ang nagkakaroon ng diabetes habang buntis (gestational diabetes).

 

Ang gestational diabetes ay diabetes na natutuklasan lamang habang ang babae ay buntis at hindi ito dapat ipagsawalambahala.

 

Ang mga batang ipanganganak ng ina na may gestational diabetes ay mataas din ang tsansa na magkaroon ng diabetes sa kanilang paglaki. Kung hindi maagapan ang diabetes ng ina habang buntis, ang bata sa sinapupunan ay nagiging overweight (pinanganganak na ang timbang ay 8 pounds pataas) kaya tumataas ang peligro na magkaroon ang bata ng shoulder injury paglabas sa puerta o mangailangan ng cesarean section para mailuwal.

 

Kung buntis ka ngayon, magtanong sa iyong OB-gyne kung dapat ka na bang magpagawa ng 75-g oral glucose tolerance test (OGTT). Ito ang test para malaman kung may diabetes ng pagbubuntis.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr