Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Cong. na nagpositibo sa COVID-19, negative sa confirmatory test

March 27, 2020

 

 

Matapos na magpositibo sa COVID-19 sa dalawang beses na inisyal na pagsusuri ay nagnegatibo ngayon sa final at confirmatory test si Manila Teachers Partylist Representative Virgilio S. Lacson.


Batay ito sa ipinalabas na pahayag ni House Secretary General Jose Luis Montales.


Una nang sumalang sa COVID-19 test si Lacson sa isang ospital sa Baguio City at natukoy na positibo siya sa virus.


Inulit ang nasabing test noong nakaraang linggo at muling nagpositibo.


Kasunod nito ay dinala sa RITM ang sample na nakuha kay Lacson para sa final testing at official confirmation at natukoy na negatibo na ang kongresista sa COVID-19.


Sa ngayon, nasa maayos namang kondisyon ang kongresista.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr