top of page
Search
  • Erlinda Rapadas

Anak ni Dra. Belo, ayaw manganak sa Makati Med dahil kay Sen. Koko

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Nag-aalala para sa nalalapit niyang panganganak si Cristalle Belo, ang anak ni Dra. Vicki Belo na kabuwanan na ngayon para sa kanyang second baby.

Karamihan sa mga ospital ngayon (kahit na pribado) ay pinagdalhan ng pasyenteng COVID-19 positive at sa Makati Medical Center nga sana niya balak manganak pero ru'n naman dinala ang misis ni Sen. Koko Pimentel kaya worried si Cristalle kung hindi kaya siya malalagay sa peligro sakaling doon manganak.

Itse-check na lang daw nila ang ibang private hospitals kung saan magiging safe siya.

♥♥♥

Kapuso Stars, nabulabog na nasa ospital si Liza dahil sa Pneumonia

Nabulabog at nag-alala ang maraming Kapuso stars nang mag-post si Iza Calzado ng larawan niya na nasa ospital dahil sa sakit niyang pneumonia.

Matagal ding naging bahagi ng GMA Network si Iza. Kasama siya sa original na Encantadia at naging leading lady din siya noon ni Robin Padilla sa seryeng Joaquin Bordado.

Si Iza ay anak ng yumaong choreographer na si Lito Calzado na naging floor director noon ng That's Entertainment ni Kuya Germs.

Pawang mabibigat na dramatic serye ang nilabasan ni Iza at marami na rin siyang pelikulang nagawa, both mainstream at indie movies.

Lahat ay nagdarasal ngayon para kay Iza.

♥♥♥

Dahil muling ibinalik sa ere ang Encantadia na nagtatampok sa malalaking artista tulad nina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Neil Ryan Sese, Glaiza de Castro, Rochelle Pangilinan, Sunshine Dizon, Karylle, Vaness del Moral, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Kylie Padilla, atbp., muling nanumbalik sa mga viewers ang character ng mga matatapang na Sangres ng kaharian ng Lireo.

Kaya naman may ilang nagri-request na mapagsama-samang muli sa iisang project ang mga bidang babae sa Encantadia tulad nina Glaiza, Gabbi, Kylie, Sanya, Diana Zubiri, Mikee Quintos, atbp. at si Mark Reyes ang magdidirek.

♥♥♥ [if !supportLineBreakNewLine] [endif]

Nagdyu-duty na ang dating Quezon City mayor na si Herbert "Bistek" Bautista bilang isang army reservist at may ranggong brigadier general. Tumutulong na siya ngayon sa mga sundalong naka-assign sa mga checkpoints ng Tandang Sora area.

Marami ang nagsasabing bagay na bagay kay Herbert ang army uniform na mala-Tom Cruise ang dating.

Sanay na sanay na si Herbert sa pagharap sa mga krisis at disasters sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang mayor ng QC. Napag-aralan na niya kung anu-ano ang mga dapat gawin sa panahon ng disaster tulad ng baha, lindol, bagyo, atbp..

Kasa-kasama siya noon ng kanyang staff sa pagri-repack ng mga relief goods para ipamigay sa mga nangangailangan at ngayong may pandemic at enhanced community lockdown, handa ring sumabak si Bistek.

♥♥♥

Luane Dy, ibinuyangyang ang super laking tiyan sa pictorial

Malaki na rin pala ang tummy ni Luane Dy at game na game na nagpa-pictorial kasama ang BF niyang si Carlo Gonzales (pinsan ni Dingdong Dantes).

Nakabuyangyang ang tummy ni Luane sa nasabing pictorial at mukhang excited at happy naman siya ngayong malapit na siyang maging mommy.

Naka-leave na rin si Luane sa Unang Hirit sa segment ni Lhar Santiago na Showbiz Chika.

Well, dati, nabanggit ni Luane na isa sa mga pangarap niya ang maging sports reporter. Dati na rin siyang nag-aartista at nakalabas na sa mga pelikula at TV shows. 'Yun nga lang, mukhang naging priority ni Luane ang kanyang love life.

♥♥♥

Jake, nag-iba na ang hitsura

Maaliwalas ang aura ngayon ng Kapuso actor na si Jake Vargas. Medyo tumangkad ito, nagkalaman ang mga braso at kuminis-pumuti ang kanyang kutis at bumagay din sa kanya ang bagong hairstyle.

Kaya naman poging-pogi si Jake nang mapanood namin sa sitcom na Pepito Manaloto. Siya ang gumaganap na anak (as Chito) ng mag-asawang Michael V. (Pepito) at Manilyn Reynes (Elsa).

Magaling na aktor si Jake, nakagawa na rin siya ng ilang indie movies na nagpapakita ng kanyang talento bilang aktor.

Kahit sa mga beteranang aktor-aktres ay puwedeng makipagsabayan si Jake. Sana naman, bigyan siya ng serye.

Si Kuya Germs (SLN) ang manager niya dati.

♥♥♥ [if !supportLineBreakNewLine] [endif]

Sa pangunguna ng comedian-host na si Michael V., nagpaabot ng tribute at pasasalamat sa mga bayaning health workers at frontliners ang mga artista/cast ng sitcom na Pepito Manaloto at gag show na Bubble Gang.

Nag-alay din ng taimtim na dasal ang mga BG stars sa pangunguna nina Michael V., Betong Sumaya, Jak Roberto, Paolo Contis, Antonio Aquitania, Denice Barbacena, Arny Ross, atbp..

Ganoon din naman ang ginawa ng Pepito Manaloto cast na sina Manilyn Reynes, Mikoy Morales, Chariz Solomon, John Feir, Mosang, Jake Vargas, Ronnie Henares, Nova Villa at Jessa Zaragoza.

Samantala, ang episode na eere bukas (Sabado) sa PM ay ang Tita Meet Up kung saan magiging guests sina Maila Gumila, Ruby Rodriguez at Jojo Alejar, mula sa direksiyon ni Bert de Leon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page