Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Anak ni Cong. Duterte, sumingit sa pila, 'di dumaan sa screening kontra COVID-19 sa supermarket

March 27, 2020

Humingi ng paumanhin si House Deputy Speaker Paolo Duterte sa inasal ng kanyang anak na si Omar na sumingit sa mahabang pila sa isang grocery sa Davao City at hindi dumaan sa screening kontra COVID-19.


Sa ipinalabas nitong pahayag, sinabi ng kongresista na naipabatid sa kanya na nagtungo sa SNR Davao ang anak pero, hindi ito pumila at hindi dumaan sa mahigpit na screening requirement ng establisimyento.


“It has come to my attention that my son, Omar Duterte, went to SNR Davao and he did not line up and thus, was not subjected to stringent screening requirements of the establishment,” ayon sa pahayag ni Duterte.


Kasabay nito ay tiniyak ni Duterte na hindi niya kukunsintihin ang naging pagkakamali ng anak.
“It is with humility that I apologize for the behavior of Omar and his impertinence shall be dealt with accordingly,” dagdag nito.


Karaniwan nang mahaba ang pila ngayon sa pagpasok pa lamang sa mga supermarket at ibang establisimyento dahil sa pinaiiral na social distancing at limitadong bilang ng mga kustomer na pinapapasok sa loob.


Kinakailangan ding suriin ang temperatura ng bawat indibidwal bago pumasok sa establisimyento upang matiyak na wala itong sintomas ng COVID-19.


Kasabay nito, sinabi ni Duterte na iimbestigahan ng Presidential Security Group ang umano´y pagmamalabis din ng security team na kasama ng kanyang anak.


Sa kanyang Facebook post, nag-sorry din si Omar sa kanyang nagawa.


“I cannot begin to express the great feeling of remorse of not following the protocol, thinking that the gloves were enough. For this, I'm sorry. I was wrong in implying that applying proper sanitation yourself and putting in gloves was enough reason for me to not wash them," ani Omar.


“But I now know that even with all your preparation, no one is above the protocol. Even though they insisted on me going through without me washing my hands, I should have insisted on washing them instead. For all this I am sorry,” dagdag pa niya.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr