Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

AFP Chief Gen. Santos, positibo sa COVID-19

March 27, 2020

Kinumpirma ngayon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Filemon Santos, Jr.


Ayon kay Lorenzana, kahapon lamang nakuha ni Santos ang resulta ng pagsusuri sa kanya.
Gayunman, sinasabing nasa maayos namang kondisyon ang heneral.


Kaugnay nito, inihayag ni Lorenzana na sasailalim siya sa 14 na araw na self-quarantine simula ngayong araw matapos na makasama si Santos sa dalawang pagtitipon. Una aniya ay noong Marso 21 para sa turnover ng medical supplies at noong Marso 22 sa General Headquarters at sa Heroes Hall sa Malacañang.

 

Bagama't wala pang sintomas, sinabi ni Lorenzana na susunod siya sa pinaiiral na protocol ng Department of Health (DOH) kaugnay sa pag-iingat na kumalat ang COVID-19.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr