Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

500 trekkers stranded sa bundok ng Nepal nang abutan ng COVID-19 lockdown

March 27, 2020

Hindi lang 150 na naunang napaulat na na-stranded na mga mountain climbers sa nagyeyelong bulubundukin ng Nepal kundi umabot na sa 500, makaraang abutan ng nationwide lockdown upang mapigilan ang pagdami ng mga nahahawaan ng coronavirus disease sa bansa.

 

Hindi makabalik sa kapatagan ang may 500 mga dayuhang trekkers mula sa apat na trekking routes dahil sa lockdown na nagsimula pa noong Martes at magtatapos makaraan ang 7 araw, ayon sa Shradha Shrestha, ang spokeswoman ng Nepal Tourism Board.

 

“We are working with multiple government agencies to rescue the trekkers and bring them to Kathmandu, so that we can coordinate with the embassies to fly them back home,” saad ni Shrestha sa CNN.

 

Ilang mga embahada na tulad ng Germany at France ang nagpaplanong magpadala ng chartered flights sa ilang mga lugar na nabanggit upang mai-rescue ang trekkers.

 

Hindi mabatid kung bakit may mga climbers pang nakalusot sa naturang bundok dahil bago pa lamang mag-Marso ay inanunsiyo na ng gobyerno ng Nepal na bagama't spring climbing season na sa Himalayan peaks kabilang na sa pinakamataas na bundok sa buong mundo na Mount Everest ay kanselado dahil sa COVID-19.

 

Kanselado rin ang climbing permits sa Mt. Everest hanggang Abril, ayon kay Nepal Tourism Secretary Kedar Bahadur Adhikari.

 

Napakahirap huminga sa napakalamig na altitudes ng bundok lalo na at may outbreak ng coronavirus na madalas ay sa baga ang problema ng trekkers pagdating sa Everest camp.

 

Ang Nepal ay may 3 nang kaso ng kumpirmadong coronavirus, ayon sa Nepal Health Ministry Data.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr