Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

4 na nagpapakalat ng fake news sa COVID-19, tinuluyan

March 27, 2020

 

Kinasuhan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang apat na suspek sa pagpapakalat ng fake news patungkol sa Coronavirus Disease 2019.

 

Kinilala ang mga suspek na sina Fritz John Menguito, Sherlyn Solis at Mae Ann Pino na pawang mga residente ng Lapu-Lapu City at Maria Diane Serrano na residente ng Laguna.
 

Ayon sa PNP-ACG, nagdulot ng panic sa publiko ang mga maling impormasyon na ipinakalat umano ng mga suspek.

 

Partikular na ibinahagi ng apat sa social media na may mga pasyente na positibo sa COVID-19 ang namatay sa kani-kanilang lugar.
 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances sa ilalim ng Article 154 ng Revised Penal Code at Section 6 ng Republic Act No. 10175 o mas kilala sa Anti-Cybercrime Law.
 

Kasunod nito, hinikayat naman ng PNP ang publiko na maging mapanuri muna sa mga nakikita sa social media dahil hindi lahat ay totoo.

 

Kung hindi naman aniya sigurado sa nabasang impormasyon ay makabubuting huwag na ring ipakalat upang hindi madamay sa kaso.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr