Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

4 na Big Football Tournament sa Asya ipinagpaliban

March 27, 2020

Apat na malalaking torneo ng ASEAN Football Federation (AFF) sa susunod na apat na buwan ay pansamantalang pinagpaliban, kabilang dito ang 2020 AFF Women’s Championship sa Pilipinas ngayong Mayo. Ito ang unang pagkakataon na gaganapin ang taunang torneo sa bansa.

 

Hahanapin ng Phl Malditas ang kanilang unang medalya matapos unang makapasok sa semifinals noong Agosto, 2019 sa Thailand. Kampeon ang Vietnam at sinundan sila ng Thailand at Myanmar.

 

Nagkita ang parehong mga koponan sa 30th Southeast Asian Games noong Disyembre 2019 at muling nagtapos na pang-apat ang mga Pinay. Pareho rin ang resulta kung saan nagkaroon ng medalya ang Vietnam, Thailand at Myanmar.

 

Ang iba pang mga nalipat na torneo ay ang Under-18 Women’s Championship sa Hunyo, Under-16 Boys Championship sa Hulyo at Under-19 Boys Championship sa Agosto – lahat sa Indonesia. Kahit malaki ang pagbabago sa kalendaryo ay tuloy pa rin ang mga nakatakdang palaro sa mga huling buwan ng taon.

 

Pangunahin dito ang 2020 AFF Suzuki Cup na sisipa sa Nobyembre at iikot sa 10 kalahok na bansa. Ang iba pang mga palaro ay ang Under-15 Girls Championship sa Indonesia sa Setyembre at ang Futsal Championship, Futsal Club Championship at Beach Football Championship na gaganapin lahat sa Thailand.

 

Samantala, ang inaabangang unang edisyon ng ASEAN Clubs Championship sa Abril ay lalaruin na sa 2021.  Ang Ceres Negros ang napili na kumatawan sa Pilipinas bilang kampeon ng Philippines Football League (PFL).

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr