Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

12 brands ng COVID-19 test kits, aprub sa FDA

March 27, 2020

 

May 12 brands ng COVID-19 test kits na ang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) for commercial use.
 

Ayon sa FDA ang mga ito ay Real Time Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) based na rekumendadong testing kit para sa COVID-19.
 

Kaugnay nito, sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na patuloy nilang nire-review ang lahat ng aplikasyon para sa COVID-19 test kits at minamadali na ang proseso sa gitna na rin ng kasalukuyang sitwasyon.
 

Gayunman, hindi naman umano nila maaaring ikompromiso ang kalidad at kaligtasan ng mga kit na ito kaya dapat tiyakin munang mabuti na may scientific evidence at mga dokumentadong basehan ang mga ito.
 

Nagbabala naman ang FDA sa mga test kits for commercial na hindi dumaan sa FDA dahil hindi nila tiyak ang pagiging epektibo nito.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr