Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

12-anyos, namaga ang bukong-bukong, sakong at tuhod at ‘di nakalakad bago namatay sa Dengvaxia

March 27, 2020

Pao Chief Persida Acosta / Daing mula sa hukay hustisya

 

Sa pagdaan ng mga araw kung kailan nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Luzon at sa Visayas at Mindanao naman, may mga lugar na ring nagsasagawa ng community quarantine, higit kong nararamdaman ang kaugnayan ng awit na “Pananagutan” sa mga relasyon ng mga tao bilang magkakapamilya, magkakaibigan, magkakaklase, magkakatrabaho, magkababayan at maging bilang kapwa-tao na naninirahan sa iisang mundo na pare-pareho nating itinuturing at tinatawag na tahanan. Ang nasabing awit ay likha ng yumaong Filipino Jesuit composer at musician na si Fr. Eduardo P. Hontiveros, SJ. Sa unang dalawang linya pa lamang nito ay naihahatid at naipararamdam na ni Fr. Hontiveros ang tungkulin ng bawat tao sa isa’t isa. Aniya:

 

“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang,

Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang.”

 

Sa mga panahon ngayon na labis tayong pinag-iingat upang malayo sa impeksiyon na hatid ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), batid natin  na  sa bawat paghuhugas natin ng ating mga kamay, pag-a-alcohol, pagsusuot ng mask, pag-inom ng vitamins, pag-obserba sa social distancing at iba pang mga katulad na pamamaraan na pangkalusugan, tayo ay hindi lamang nagsasagawa ng mga ito para sa ating mga sariling kapakanan. Tayo ay masigasig na nagtataguyod ng ating sariling kalusugan at pang-araw-araw na kaligtasan laban sa karamdaman dahil ayaw din nating maging carrier ng virus na maglalagay sa panganib sa mga tao sa ating paligid kung saan kasama roon ang ating mga mahal sa buhay. Ang patuloy nating pamumuhay nang malusog ay patuloy ding pagkabuhay hindi lamang ng mahahalagang tao sa atin kundi lahat ng mga nakasasalamuha natin. Sa kasamaang-palad, marami nang nasawi dahil sa COVID-19, ngunit ang kanilang pagkamatay ay nag-iiwan ngayon ng mensahe na tumitimo kundi man gumagambala sa ating mga isipan. Ang bawat kamatayan ngayon saanmang sulok ng mundo ay paalala sa ating mga sarili bilang mortal na humaharap din sa banta ng COVID-19… isang mortal na patuloy na nananalangin na magkaroon na sana ng kawakasan ang pananalasa ng COVID-19. 

 

Malayo man tayo ngayon sa isa’t isa dahil sa social distancing, ang ating pisikal na agwat at mga espasyo sa ating pagitan ang higit pang nagpapalapit sa atin ngayon na nagkakaroon tayo ng higit na malalim na pagkaunawa at pagtanggap sa pagsasagawa ng kahulugan ng nabanggit na mga linya ng “Pananagutan”.  

 

Ang naturang mga linya ng awit ni Fr. Hontiveros ang patuloy ding humahamon sa aming dedikasyon bilang public attorneys na tagapagtaguyod ng mga karapatan ng aming mga kliyente kahit sila ay pumanaw na at sa ganitong uri ng pagkamatay na may patuloy na lumalaban para sa kanila, may patuloy pa ring mabubuhay – hindi lamang ang kanilang alaala kundi ang pag-asa na makamtan ang hustisya para sa kanila at sa mga kapwa nila biktima na patuloy na nabubuhay sa awa at biyaya ng Maykapal. Ang kay Zarah Mae E. de Luna ay isa sa mga kaso ng pagkamatay na aming inilalaban sa buhay naming ito bilang kanyang mga abogada at abogado.

 

Si Zarah Mae E. de Luna, anak nina G. Gerardo at Gng. Marissa E. de Luna at dating estudyante sa isang paaralan sa probinsiya ng Quezon ay 12-anyos nang namatay noong Nobyembre 12, 2017. Si Zarah Mae ang pang-sampu (10) sa  mga naturukan ng Dengvaxia at nakaranas bago namatay ng ilan sa mga sintomas na kasama sa common pattern of four serious adverse effects (anaphylactic allergic reaction, viscerotropism (pamamaga, paglaki at pagdurugo ng laman-loob), neurotropism (pamamaga at pagdurugo ng utak) and increase in severity of dengue disease) na consistent sa Sanofi Declaration of Four (4) Identified and Expected risks in its Submission for Authorization sa Food and Drug Administration (FDA) {22 Disyembre 2015} — na sumailalim sa forensic examination ng PAO Forensic Team, pagkatapos hilingin ng mga pamilya ang serbisyo ng grupo para sa mga namatay na biktima. Tinutugunan din namin ang hiling nilang libreng serbisyo-legal ng aming tanggapan, sa pangunguna ng inyong lingkod.

 

Mahigit tatlong taon na ang nakalilipas mula nang maturukan ng nasabing bakuna si Zarah Mae, ngunit para sa kanyang pamilya, parang kahapon lamang ito naganap dahil sa kasariwaan ng kanilang alaala at ang sakit kaugnay ng trahedyang pinagdaanan ni Zarah Mae ay damang-dama pa nila. Narito ang bahagi ng Salaysay ni Gng. De Luna hinggil dito:

 

“Noong Hunyo 21, 2016, habang ako ay nagtatrabaho sa canteen ng eskuwelahan ng aking anak, pumunta sa akin ang nurse. Sinabi niya na magkakaroon ng pagbabakuna ng “kontra sa lamok”. Tinanong ko kung mayroong side effect ang nasabing bakuna, ang sagot naman niya ay “wala”. Pumayag naman ako dahil sa tingin ko ay dapat ngang mabakunahan ang aking anak para sa kanyang proteksyon laban sa lamok.

 

“Natapos ni Zarah Mae ang tatlong doses ng bakuna kaya nakampante kami na hindi na magkakasakit ang aming anak nang dahil sa kagat ng lamok.”

 

Paglipas ng mahigit sa isang taon matapos ang pagbabakuna nang makaramdam ng mga pagbabago sa kanyang katawan at kalusugan si Zarah Mae. Noong Agosto, 2017, nagsabi si Zarah Mae sa kanyang ina na may nararamdaman siyang parang tumutusok-tusok sa kanyang mga palad at talampakan kaya nilagyan ni Gng. De Luna ng Vicks ang mga ito at minasahe para uminit. Ayon kay Gng. De Luna, “Bahagya namang nawawala pero bumalik din.” Pagkatapos nito ay nagsimula nang bumaluktot ang mga daliri ni Zarah Mae, sumasakit ang bukong-bukong ng mga kamay, ganundin ang mga sakong at namamaga ang mga tuhod. Dahil sa naging kalagayang ito, binubuhat siya ng kanyang ama para makapasok sa eskuwelahan. 

 

Sa kanilang paaralan naman, nang dumalaw ang nabanggit na nurse ni Gng. De Luna, pinatingnan niya si Zarah Mae at binigyan siya ng mefenamic acid. Nang nakainom siya ng tatlong mefenamic acid ay nakalakad naman siya, pero hindi pa rin nawala ang pamamaga. Dahil dito, dinala ni Gng. De Luna si Zarah Mae sa isang albularyo, subalit hindi pa rin nawala ang pamamaga at hindi na siya nakalakad. Nang hindi siya gumaling, dinala siya sa ospital at doon ay binigyan ng gamot, pero kahit uminom na siya ng mga ibinigay na gamot ng doktor ay hindi pa rin gumaling ang mga pamamaga sa kanyang bukong-bukong, sakong at tuhod. 

 

Bilang ina na may matinding pagmamahal sa anak, hindi niya matiis na hayaan ang ganu’ng kalagayan ang kaniyang anak, kaya hindi siya tumigil sa paghahanap ng lunas sa karamdaman ni Zarah Mae sa iba’t ibang ospital at doktor. Aniya:

 

“Noong November 7, 2017, dinala ko ulit si Zarah Mae sa ospittal (hindi pinangalanan) at pinatingnan. Binigyan ako ng referral letter ng doktor para dalhin siya sa ibang ospital dahil mayroong espesyalistang doktor para sa mga ganu’ng sintomas.

 

“Dinala ko agad si Zarah Mae sa nasabing ospital at binigyan siya ng Planax na gamot umano sa pamamaga at pinababalik kami ng November 15, 2017 para isailalim sa laboratory examination si Zarah Mae.”

 

Sa kabila ng masigasig na pagpapagamot sa kanilang anak, lumubha pa rin ang mga hindi kaaya-ayang nararamdaman ni Zarah Mae. Sa loob ng dalawang araw ng Nobyembre 2017 – Nobyembre 11 at 12 – nagpatuloy ang paglubha ng kalagayan ni Zarah Mae hanggang sa bawian siya ng buhay. Narito ang ilan sa mahahalagang detalye sa  mga araw na ‘yun: 

 

1. Nobyembre 11, 2017 (alas-2:00 ng hapon) - Nagsimulang magsuka si Zarah Mae at maya-maya ay nagdugo ang kanyang ilong. Akala ni Gng. De Luna ay simpleng balingoyngoy lamang ito, subalit nang alas-4:00 ng hapon ay muling nagsuka si Zarah Mae.

Alas-5:00 ng hapon, dinala ni Gng. De Luna at ng kanyang ina si Zarah Mae sa ospital. Pagkatapos ng pagsasagawa ng , . Pagtapos nito ay iniakyat si Zarah Mae sa ng nasabing ospital.

 

2. Nobyembre 12, 2017 (alas-3:30 ng madaling-araw) - Nagising si Zarah Mae para umihi, tapos inihiniga na siya ni Gng. De Luna. Pagkahiga niya, agad siyang nagreklamo na nahihirapan na siyang huminga at sinabihan niya ang kanyang mga magulang na agad na tumawag ng doktor dahil hirap na hirap na siyang huminga. Ang mga ito ay agad namang nagpunta sa nurses’ station upang humingi ng saklolo. 

Bumalik agad ang mag-asawa sa kuwarto ng kanilang anak at nakita nila na nagkakagulo na ang mga at doktor dahil Inilarawan ni Gng. De Luna ang napakasakit na tagpo na siyang huling sandali ng kanilang anak sa mundo. Aniya:

 

Sa kaso ni Zarah Mae, naulit na naman ang marami nang kuwento ng malulusog at aktibong kabataan na binawian ng lakas at buhay matapos maturukan ng nasabing bakuna. Ganundin ang salaysay ng mga magulang ng nasabing mga biktima hinggil sa pagbibigay ng katiyakan sa kanila ng mga awtoridad hinggil sa kawalan ng masama o negatibong side effect ng pareho ring bakuna na pagkaraan ay hindi lamang nagbunga ng kinatatakutang side effect kundi kamatayan. Dahil dito, tinahak nila ang daan na kasama ang Public Attorney’s Office (PAO) sa paghahanap ng hustisya para sa kanilang mga minamahal na mga anak na pumanaw nang walang kalaban-laban at walang kamalay-malay sa nakaambang panganib sa dulo ng heringgilya. Ani Gng. De Luna:

 

“Labis ang aming pagkagulat, lungkot at sama ng loob sa sinapit ng aming anak. Malakas at masigla siya bago pa siya ay maturukan ng nasabing bakuna. Hindi namin akalain na ang anti-dengue na itinurok sa kanya na sa aming paniniwala ay magpoprotekta sa kanya laban sa dengue ay siya pang maglalagay sa matinding panganib at naging sanhi ng kanyang kamatayan.

 

“Mula nang mailibing siya noong November 17, 2017, sunud-sunod na ang mga balita sa T.V. hinggil sa pagkamatay ng mga bata kaugnay sa itinurok sa kanila na bakuna kontra dengue kaya naman nagpagpasyahan naming mag-asawa na humingi ng tulong sa PAO para mabigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay.

 

“Aming hinihiling na masampahan ng kaukulang kasong sibil, kriminal at administratibo ang mga taong responsable sa pagkamatay ni Zarah Mae.”

 

Bukod sa hiling nilang serbisyo-legal sa PAO ay hiniling din nila ang forensic examination service ng PAO Forensic Team upang mabigyang-linaw ang sanhi ng kamatayan ni Zarah Mae. Buong-puso naming ipinagkaloob ang aming paglilingkod sa pamilya De Luna at patuloy na ibinibigay pa rin sa kanila ang aming libreng serbisyo-legal.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr