Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

‘Di makakatuluyan ang BF kaya dapat nang itigil ang pakikipag-sex

March 27, 2020

Maestro Honorio Ong 

 

KATANUNGAN

 

  1. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung ang kasalukuyan kong boyfriend ang makakatuluyan ko? Parang mag-asawa na kami at kasal na lang ang kulang. Sa totoo lang, kahit masaya kami, minsan ay natatakot din ako na baka bigla akong mabuntis, pero sinabi niya na kapag nabuntis ay magpapakasal agad kami.

  2. Gusto kong makatiyak kung tototohanin kaya ng boyfriend ko ang sinabi niya na kapag nabuntis ako ay magpapakasal na kami at siya na kaya ang makakatuluyan ko?

KASAGUTAN

 

  1. Sa panahon ngayon, mas minam pang dumistansya ka muna sa boyfriend mo at iwas-iwasan mo na siya dahil hindi kayo ang magkakatuluyan kung siya ang unang seryoso mong nakarelasyon. Ito ang nais ipahiwatig ng ikalawang mas malinaw, mas makapal at mas mahabang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) na madali namang kinumpirma ng naputol na parang nabiyak at nagka-bilog na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda ng isang matindi-tinding kabiguan ang nakatakda mong maranasan sa unang pag-ibig at pakikipagrelasyon. Sa madaling salita, kung hindi ka pa gaanong nabibigo sa pag-ibig, may posibilidad na sa kasalukuyan mong boyfriend magaganap ang pagkasiphayo at matinding kalungkutang nais ipahayag ng pumangit na Heart Line (h-h arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Pero pagkatapos nito, tulad ng naipaliwanag na, ang ikalawang mas magandang Marriage Line (2-M arrow b.) at naayos at gumanda na ring Heart Line (h-h arrow d.) sa gitna hanggang sa dulong bahagi ng kaliwa at kanan mong palad ang nagsasabing sa ikalawang mas meaningful na pakikipag-relasyon, mararanasan mo na ang maligaya at panghabambuhay na pag-ibig.

 

MGA DAPAT GAWIN

 

  1. Ronalyn, ayon sa iyong mga datos, hindi ang kasalukuyang boyfriend mo ang iyong makakatuluyan kaya tama lang ang desisyong dumistansya ka muna sa kanya upang hindi ka masyadong mapasubo at mapalautan. 

  2. Sapagkat tunay na tunay ngang ayon sa iyong mga datos, sa ikalawang pag-ibig at pakikipagrelasyon na hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Virgo, matatamasa mo na mas tapat n pakikiparelaasyon na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pag-aasawa na nakatakdang mangyari sa susunod na taong 2021 sa edad mong 27 pataas.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr