Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Vice, pinatahimik ang netizen na nagmura sa kanya dahil sa kanta

March 26, 2020

Vinia Vivar / Frankly Speaking

 


Kalmanteng sinagot ni Vice Ganda ang isang basher na minura ang kanyang music video ng bago niyang kantang Corona Ba-Bye Na! na ini-release a few days ago.

 

Ipinost ng basher sa Twitter ang music video at nag-comment ng “P…ina, ano ‘to?” kaya naman hindi napigil ni Vice ang sarili’t sinagot ito.

 

“Shhhhhhhh! 'Wag ngayon, please. Walang maitutulong 'yung grabeng hate mo. Your hate won't do any good. God bless you. Stay safe,” sagot ni Vice.

 

Sa thread ay marami ang pumuri sa comedian/TV host sa kanyang edukadong sagot. 

 

Komento nila, mabait daw talaga si Vice na minura na ay concerned pa rin sa kanyang basher.

 

Kung may mga namba-bash ay marami rin naman ang nagandahan at naaliw sa bagong awitin ni Vice. In fact, umaabot na sa mahigit 600 thousand ang views nito sa YouTube since its release on March 22.

 

Komento ng mga netizens, stress-reliever at comic relief ang kanta ni Vice na kailangang-kailangan natin sa panahon ngayon.

 

 


***

 

 

ANDREA, IPINAGSIGAWANG NAMI-MISS NA SI SETH

 

NAMI-MISS na ni Andrea Brillantes ang ka-love team na si Seth Fedelin since hindi nga sila nagkikita ngayon because of the enhanced community quarantine.

 

Nag-post si Andrea ng larawan nila ni Seth at sa caption, she wrote: “Miss ko na kayong lahat, lalo na 'tong isa. Stay safe guys, lilipas din 'to.”

 

Siyempre, kinilig ang mga SethDrea fans at sey nga nila, missed na rin nila ang kanilang idolo.

“Missed n'yo na ang isa't isa? Mag-live kayo dito sa Insta, hehe! Missed na rin namin kayo, ih,” komento ng isang fan.

 

Dahil sa success ng love team nila ni Seth na nagsimula sa Kadenang Ginto, may follow-up teleserye na ulit na sisimulan ang dalawa na sa ngayon ay hindi pa masabi kung kailan dahil nga sa health crisis na dinaranas ng bansa.

 

Malapit na ring matapos ang dream house na ipinapagawa ni Andrea at looking forward na ang aktres sa araw na ru'n na sila nakatira.

 

 

***


 

Ellen, pinuri ni Derek na nalagpasan na ang problema sa pag-iisip

 

 

Matapos ang kanyang mental training sa Bali, okay na okay na raw si Ellen Adarna ngayon.

 

Sey niya sa kanyang Instagram post, nakaalis na siya sa black hole.

“By the way, I am 101% okay now. No more meds and sadness... just love and smiles. I am out of that black hole. Thank you my mental tor-MENTOR @na.sser7490 for helping me snap out of it.

 

“I will post PART 2 (my 14-day mental training experience) soon! Or you can check my IG story highlights on how I overcame and dealt with my mental illness,” ang saad ng post ni Ellen.

 

Sa comment section ay pinuri ni Derek Ramsay ang katapangan ni Ellen.

 

“Very brave @maria.elena.adarna Much respect,” komento ni Derek with matching clapping hands emoji.

 

Nag-comment din si Jackie Forster, “You got this @maria.elena.adarna. Keep being true to yourself and always try be present, nevermind the haters live in your truth and you will live with purpose. Biggest hugs.”

 

Komento naman ng best friend niyang si Beauty Gonzalez, “Proud of you.”

 

Pinuri rin si Ellen ng ibang netizens sa pagiging matapang sa pag-amin ng kanyang mental illness.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr