Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

UAAP champ coach Aric del Rosario pumanaw na sa atake sa puso

March 26, 2020

 

Sumakabilang-buhay na ang tanyag na Basketball coach na si Januario “Aric” del Rosario nitong Miyerkules dahil sa atake sa puso. Nakilala siya sa kanyang apat na sunod na kampeonato ng University of Santo Tomas sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) mula 1993 hanggang 1996.

 

Unang nagsilbi bilang manlalaro nang noon ay UST Glowing Goldies si Del Rosario noong dekada 60. Bumalik siya sa Espanya Avenue upang hawakan ang Growling Tigers at ilagay muli sa tuktok ng UAAP.

 

Gumawa din si Del Rosario ng kasaysayan para sa kanyang inang lalawigan ng Pampanga matapos niyang gabayan ang Pampanga Dragons sa unang kampeonato ng Metropolitan Basketball Association (MBA) noong 1998.  Siya rin ang humawak sa Pampanga Buddies sa Liga Pilipinas.

 

Ang University of Perpetual Help System-Dalta sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang huling koponan na hinawakan niya hanggang 2015.  Siya rin ay madalas kunin bilang Commissioner ng mga torneo tulad ng taunang FilOil Flying V Premier Cup at NCAA.

 

Kasama din sa kanyang malawak na listahan ng tagumpay ay ang gintong medalya sa 2003 Southeast Asian Games sa Vietnam. Kabilang din siya sa mga assistant coach ng Alaska Aces nang makamit nila ang PBA Grand Slam noong 1996.

 

­

Naiwan niya ang limang anak at siyam na apo. Dalawa sa kanyang anak, sina Lester at Edsel, ay sumunod sa yapak ng kanilang ama bilang manlalaro at coach.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr