Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Sharon, ibinulgar kung bakit nako-COVID-19 ang ‘Pinas

March 26, 2020

Julie Bonifacio / Winner!

 


Madamdamin ang mensaheng ipinost ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Facebook account para sa mga Pilipino at sa kinakaharap na sitwasyon ng bansa dahil sa covid-19 pandemic.

 

Aniya, "Sa nangyayari sa mundo ngayon at mahirap mang tumingin sa positibo o kahit magkaroon ng pag-asa, kailangan nating gawin at magkaroon ng mga ito upang ngumiti at huwag na huwag papayag mawalan ng pag-asa mula sa ating paggising hanggang sa pagtulog," simula ni Sharon.

 

Naniniwala si Mega na darating din ang bagong umaga para sa ating lahat. 

 

"Matatapos din ito. Pilipino tayo, madami nang pinagdaanang malulupit na panahon dulot ng bagyo, baha, lindol, bulkan, at kung anu-ano pa. Siguro, masyado nang mabilis ang ating mundo... baka nakalimutan na natin ang tunay na mahahalaga sa buhay... at karamihan sa atin, bukod sa ating mga kababayan na araw-araw kailangang magtrabaho para may maiuwing pagkain sa kanilang mga minamahal na pamilya, ay ‘di nakakakita na halos lahat pala ng kailangan natin ay nasa atin na."

 

Nakalimutan na raw natin ang makuntento. At higit sa lahat, nakalimutan na raw natin siguro ang tumawag sa Panginoon kapag wala tayong problema o kailangan.

 

"Nagpapaalala lang ang ating Ama. Kapit lang. Magtulungan tayo. Walang iwanan. Kaya sa ‘tin dumadating ang delubyo kasi sobrang galing nating mga Pinoy. Mahal ko kayong lahat. Tumulong tayo sa mga walang paraang makakuha ng makakain sa araw-araw."

 

Pinasalamatan din ni Mega ang sakripisyo ng mga frontliners na ‘di rin naman daw kagustuhang dumami pa ang magkasakit at ma-expose ang mga doktor at healthcare workers sa posibilidad na mahawa, tulad na lamang ng mga pulis at sundalo sa mga kalye.

 

"Sa init at gutom at takot na mahawa, ‘di rin naman nila gusto ‘yun. Kung kaya natin, abutan na lang sana natin sila ng maiinom, makakain, at magsabi ng ‘Thank you po sa ginagawa ninyo.’ ‘Yun lang po.

 

Ingat po kayong lahat."

 

Sa kanyang panghuling mensahe, "If you don’t have to go out, stay home and take advantage of this time with your family and don’t forget time for yourself. PRAY. May God bless us all! Love and tight hugs from all of us at our home.”

 

 

***

 

 

IT’S SHOWTIME, BALIK-AIRING NA, ANNE JOIN NA RIN

 

 

BALIK-LIVE on air muli ang ilang programa ng ABS-CBN ngayong Huwebes. Pero wala pa rin sila sa studio at bagkus ay nag-work from home ang mga hosts na kasali sa mga Kapamilya programs gaya ng

Magandang Buhay at It's Showtime.

 

Nasa kani-kanyang tahanan ang mga momshies na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros via live streaming kasama ang kanilang guest sa pagbabalik nila sa ere kahapon. 

 

Ganoon din ang ginawa ng It's Showtime hosts na kahit magkakalayo ay nagkasama-samang muli sa TV screen.  

 

Maging ang bagong panganak at isa sa mga hosts ng It's Showtime na si Anne Curtis, kahit nasa Australia pa at nagbe-breastfeed sa baby nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia ay nakigulo na rin sa masayang grupo ng Kapamilya noontime show.

 

Tila lumiit na muli ang magandang mukha ni Anne. At dahil half-body lang ang kita sa kanya sa screen, 'di makita kung mataba pa rin ba ang katawan niya.

 

Sa ABS-CBN Pantawid ng Pag-ibig, At Home Together fundraising event last Sunday, halatang may kalakihan pa rin ang tiyan ni Anne. 

 

But what caught our attention ay nu'ng sinabi ng isa sa mga hosts ng Kapamilya noontime show na si Vice Ganda na hindi niya kasama ang boyfriend niyang si Ion Perez.

 

Inabutan daw ng lockdown sa buong Luzon bunsod ng Coronavirus si Ion sa kanyang lalawigan sa Tarlac at hindi na nagawang lumuwas sa Manila.

 

Kaya ba parang sad and lonely ang mga mata ni Vice sa TV screen?

 

 

***

 

 

SPEAKING of lockdown, isa pang naipit ng idineklarang enhanced community quarantine ay ang anak nina Gretchen Barretto at Tony 'Boy' Cojuangco na si Dominique.

 

"Been on lockdown for ten days now ---- working at home and drinking lots of vitamins," bungad ni Dominique sa caption ng ipinost niyang picture on her Instagram account.

 

Kasalukuyang nasa San Francisco Bay Area, California si Dominique. At sa kanyang caption ay pinaalalahanan niya ang mga tao na maging maingat.

 

"This type of self-care is not available everyone. I've been rationing my food as much as possible; but this is some people's reality everyday. I hope that everyone's taking the same precautions when it comes to not being wasteful, and not hoarding. As much as we can, let's be grateful for what we have."

 

Ipinagdarasal daw niya ang mga nasa ospital, pati na ang mga nalulungkot at kailangan ng kalinga.

 

Nakatapos si Dominique ng kanyang second degree on Merchandising and Marketing sa Fashion

Institute of Design and Merchandising sa California. And she graduated bilang magna cum laude, huh?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr