Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Sen. Koko, lawbreaker daw, ipapa-disbar

March 26, 2020

Inihahanda na ng isang grupo ng mga abogado ang pagsasampa ng kaso laban kay Senator Aquilino 'Koko' Pimentel III matapos nitong ilantad sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang ilang taga-Makati Medical Center (MMC).

 

Ayon kay Atty. Rico Quicho, may kasama siyang 9 iba pang abogado para sa 'test case' na isasampa nila kay Pimentel dahil umano sa paglabag sa batas ukol sa "mandatory reporting of notifiable diseases and health events of public health concern".

 

"He is not only an ordinary citizen. He is a senator of the Republic. As a lawmaker, he should not be a lawbreaker," ani Quicho.

 

Itutulak din umano nila ang pagpapa-disbar sa senador lalo't bilang abogado ay dapat alam nitong sumunod sa batas.

 

Samantala, pinag-aaralan na rin ng Office of the Ombudsman kung dapat ba silang magsagawa ng motu proprio investigation ukol sa kinasasangkutan ni Pimentel.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr