Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Pacman, sina Danny at Mikey Garcia lang ang pagpipilian para sa next fight

March 26, 2020

 

Nakikinita ni dating world champion Paulie Malignaggi na isa kina dating welterweight titlist Danny Garcia at four-weight division champion Mikey Garcia ang susunod na kakaharapin ni World Boxing Association (WBA) title holder Manny “Pacman” Pacquiao sa susunod nitong laban.

 

Magiging kapana-panabik umano ang laban kung isa sa dalawang Garcia ang mapipili ng 41-anyos na nagawang talunin ang dating undefeated fighter na si Keight Thurman sa pamamagitan ng split decision sa Las Vegas, Nevada noong isang taon.

 

Ayon sa 39-anyos na dating two-division kingpin-turned boxing commentator na si Malignaggi, na minsan na ring tinalo ni Danny Garcia via technical knockout noong Agosto 2015, na magiging magkaayon ang mga laro nila ni Pacquiao. Impresibo rin ang panalo ni Danny kay Ivan Redkach sa isang unanimous decision noong Enero 25 sa Barclays Center sa New York City.   

 

“I think it’s an interesting fight. You’ve got the speed of Pacquiao and timing and punching of Garcia,” pahayag ni Malignaggi sa panayam sa kanya ng FightHub.com. “Garcia’s a crazy timing puncher. Pacquiao tends to commit and sometimes over-commit. But then again if you don’t catch Pacquiao with an over-commitment, he’s burying you in activity and power. It’s a very interesting clash of styles,” dagdag nito.

 

Nakabawi naman sa kanyang laban si Mikey kontra kay Jesse Vargas sa isa ring unanimous decision victory noong isang buwan matapos putulin ni unified welterweight champ Errol Spence Jr. ang kanyang winning streak, isang taon na ang nakararaan.

 

Maaaring iba naman umano ang magiging laban kung ang 32-anyos na si Mikey ang makakatapat ng eight-division world champion dahil bahagyang babagal ang laban ng dalawa dahil sa ‘fundamental style’ ni Mikey. Ika nga nito, halos pareho ang istilo ni Mikey at Juan Manuel Marquez, na mahigpit na kalaban ni Pacquiao na minsang nagpabagsak dito noong Disyembre 2012 via 6th round knockout.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr