Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

PUI sa COVID-19, nagpuntang M'cañang | Cong. Yap, posibleng kasuhan — PSG

March 26, 2020

Posibleng sampahan ng kaso ng Presidential Security Group (PSG) si ACT-CIS Partylist Representative Eric Go Yap dahil sa pagpunta sa Malacañang noong Sabado kahit itinuturing na ito bilang Person Under Investigation sa COVID 19.

 

Ayon kay PSG Commander Jesus Durante III, nilagay ni Yap sa panganib ang buhay ng maraming tao.

 

Ayon kay Durante, hindi pinirmahan ni Yap ang declaration form na para sa lahat ng mga bumibisita sa Malacañang.

 

Hindi rin umano idineklara na nagkaroon siya ng close contact sa isang COVID-19 positive patient at na mayroon siyang sintomas ng virus tulad ng ubo.

 

"We have been implementing strict security measures sa kahit sino ang pumasok dito sa Palasyo. We are letting them sign a declaration form. Ang problema, itong si Congressman Yap, he didn’t fill up 'yung form,” ani Durante.

 

"He didn’t declare na may contact siya with some people who were found positive. And he has a cough and has been experiencing some symptoms. Hindi niya lahat dineclare ito,” dagdag pa ni Durante.

 

Nilinaw din ng PSG na wala silang pagkukulang dahil sinunod pa rin nila ang istriktong measures na ipinatutupad sa Malacañang upang maiwasan ang contamination sa lugar. Gayunman, kailangan pa rin aniya nilang imbestigahan kung meron silang kailangang baguhin sa kanilang measures.

 

Batay sa estima ni Durante, nasa mahigit 20 na ang bilang ng mga kawani ng Malacañang ang kailangang mag-self-quarantine matapos ianunsiyo ni Yap na nagpositibo siya sa virus.

 

Kabilang aniya rito ang anim na miyembro ng PSG na present sa meeting noong Lunes, mga miyembro ng Office of the President, at iba pa.

 

Samantala, sinabi ni Durante na pinagbabawalan na nila ang kahit sinong bisita na makalapit kay Pangulong Rodrigo Duterte habang nililimitahan ang mga pagpupulong na nangangailangan sa presensiya ng Pangulo.

 

Kaugnay nito, muling umapela ang PSG sa lahat ng mga bumibisita sa Palasyo na magpakatotoo sa mga idinedeklara nito para sa kaligtasan ng lahat laban sa COVID 19.

 

“Ito talaga 'yung iniiwasan natin na mangyari, na ma-contaminate itong Malacañang Complex," ipinunto ni Durante.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr