Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Maglalakad pauwing probinsiya, 'di na lulusot sa checkpoint

March 26, 2020

Inatasan ni Philippine National Police Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Guillermo Eleazar ang mga pulis na nagbabantay sa mga checkpoint na huwag nang payagang dumaan ang mga taong naglalakad mula sa Metro Manila pauwi sa kani-kanilang lalawigan.


"'Yung maglalakad hanggang Bicol o Quezon, huwag na padaanin dahil hindi sila palalampasin. Kung sakaling makalusot sa inyo, makalusot sa Laguna, Quezon... pagdating sa Bicol haharangin," ani Eleazar.


"Kawawa naman itong mga kababayan natin doon na haharangin kaya dito pa lang harangin n'yo na, huwag n'yo na palusutin," dagdag nito.


Pinayuhan din ng heneral ang publiko na iwasan nang bumalik sa kani-kanilang probinsiya upang hindi makaranas ng aberya sa mga checkpoint.


Sakali aniya kasing makalusot at makarating sa mga probinsiya, pupuwedeng hindi sila papasukin o puwersahang sasailalim sa 14-araw na self-quarantine.


"Kung makalusot man sila, problema pagdating sa kanilang lugar dahil forcibly they will be quarantined at ang problema doon bago makarating sa kanilang pupuntahan sangkaterbang checkpoint o pagdurusa ang kanilang haharapin," ayon pa kay Eleazar.


Una nang napaulat na marami ang naglakad na lang pauwi sa kanilang tahanan sa mga probinsiya dahil walang masakyan sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr