Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Kitang-kita sa video, kahit bawal na… Sen. Pacquiao, isa sa mga lumapit kay Sen. Koko na positive sa COVID-19

March 26, 2020

Nitz Miralles / Bida

 

 

Napanood namin ang video ng birthday party na dinaluhan ni Sen. Koko Pimentel at nakita namin na isa si Sen. Manny Pacquiao sa mga lumapit sa kanya para bumati. Marami pang iba ang lumapit at bumati kay Sen. Koko at may nakipagkamay pa.

 

Ang kapansin-pansin lang, kahit that time ay ipinagbabawal na ang beso-beso para makaiwas sa COVID-19 ay hindi pa rin napigilan ng mga bisita na gawin 'yun.  

 

Sabi tuloy ng mga netizens, ang titigas ng ulo ng mga government officials na nasa birthday party dahil ginawa pa rin ang ipinagbabawal. 

 

Hindi namin napansin sa video kung kasama sa mga bisita sa birthday party si Sen. Sonny Angara na in-announce na ring positive for COVID-19. 

 

Sabi ni Sen. Sonny: “I regret to announce that today, March 26, I received my test result and it’s positive for COVID-19. I have been feeling some symptoms like mild fever, cough, headaches and general weakness.

 

"I have not been in contact with the public since taking the test last March 16.

 

"I ask for prayers that together we are able to pull through this tremendous challenge.

 

“Let us continue to support all efforts to fight the further spread of the virus. Let us support our frontliners on the streets, in the emergency rooms as they are key to the effort.

 

“With hope, sacrifice, and unity of effort, we shall overcome."

 

 

***
 

 

WENDELL, TODO-INGAT, 'DI TUMATANGGAP NG MGA BISITA SA BAHAY

                                                                       

LAHAT ay nag-iingat na hindi magkasakit ng COVID-19 at isa na rito ang Kapuso actor na si Wendell Ramos, gumaganap bilang si Jaime Claveria sa top-rating Afternoon Prime ng GMA-7 na Prima Donnas.

 

Natanong si Wendell kung ano'ng protective measures ang ginagawa niya para makaiwas siya at ang kanyang pamilya sa COVID-19 outbreak?

 

“I make sure that me and my family practice proper hygiene. We wash our hands thoroughly sa alcohol and face masks and stay at home. If possible, no communication with people from the outside. No visitors allowed as of now. I also help in cleaning and sanitizing every part of the house,” sagot ni Wendell.

 

Sa tanong naman kung ano ang ginagawa niya para maging productive habang nasa bahay lang, ang sagot ni Wendell: “Boredom may strike soon! But I stay productive by staying in shape and doing home workouts. Searching, reading and trying new healthy recipes for my diet. I watch Netflix with my family.”

 

At kung paano niya pinaghandaan ang enhanced community quarantine?

 

“We made sure that we have enough supplies of groceries. We also stocked up on rice, meat, chicken, fish and drinks. I also saved delivery hotlines.”

 

Samantala, nahingan din siya ng message para sa mga frontliners.

 

“To our frontliners, I am truly grateful for your time, effort, love, dedication and patience. We feel the pain and worry of leaving your family for the sake of the people who need your services. No words can ever describe our gratitude to all of you. I pray that God will keep you all safe. Salute!!!”

 

Nabanggit ni Wendell na ang una niyang gagawin kapag wala na ang COVID-19 ay ang magdasal at magsimba silang buong pamilya.

 

Hindi rin nakalimutan ni Wendell na magpasalamat sa mga sumusuporta sa Prima Donnas na nami-miss na ng mga viewers dahil pansamantalang hindi napapanood. 

 

Sabi ni Wendell, abangan ang kanilang pagbabalik dahil gagawin nilang sulit ang bawat hapon na muling mapapanood at masusubaybayan ang Prima Donnas.

 

“I am really proud of this show and to everybody who contributes their talent and dedication to make Prima Donnas a consistent top-rater in its timeslot. 

 

"Marami pa po kayong aabangan kay Jaime Claveria, sa kanyang tatlong anak at sa painit na painit na love triangle at awayan nina Kendra (Aiko Melendez) at Lilian (Katrina Halili),” pagtatapos ni Wendell.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr